#NEWSEVENTS #PNP-SAN JOSE MULING NOVEMBER 28, 2020



PNP-San Jose muling nakatanggap ng karagdagang 5 motorsiklo

April 17, 2017 04:39 PM


Nakatanggap muli ng karagdagang 5 motorsiklo ang PNP-San Jose na ibinigay ng San Jose City i Power Corporation.

Iprinisinta kaninang umaga sa flag raising ceremony ang mga Yamaha SZ-R 150, kung saan ipinasa ng mga kinatawan ng i power ang helmet at susi kay Police Superintendent Reynaldo dela Cruz na sinaksihan naman nina City Mayor Kokoy Salvador at City Administrator Alexander Glen Bautista.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagbigay din ang San Jose City Chamber of Commerce ng 5 motorsiklo na may kaparehong model.

Layon nitong mas mapabilis pa ang pagresponde ng mga pulis sa anumang insidenteng mangyayari sa lungsod.

–Ella Aiza D. Reyes



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image