#NEWSEVENTS #PWDS, TUMANGGAP NG T AUGUST 09, 2020



PWDs, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan

January 13, 2017 06:07 PM


Binigyan ng Lokal na Pamahalaan ng tulong pinansiyal ang ilang PWD o Persons with Disability para makatulong sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay.

Bukod sa financial assistance, tumanggap din ng medical at educational assistance ang iba pang PWD.

Dumalo sa naturang programa si Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador para ipaalam na patuloy ang Pamahalaang Lokal sa pagsuporta at pag-alalay sa nasabing sektor.

Dagdag pa ni Mayor, asahan nila ang mga susunod pang mga programang nakalaan sa mga PWD.

Nagpasalamat naman ang mga Persons with Disability na sa kabila ng kanilang kapansanan ay unti-unting natutupad ang kanilang mga pangarap sa tulong ng Lokal na Pamahalaan.

Ginanap ang aktibidad sa Ground Floor ng City Hall Building nito lamang nakaraang Huwebes. (Jennylyn N. Cornel)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image