#NEWSEVENTS #SEN. JV EJERCITO, BU JANUARY 26, 2021



Sen. JV Ejercito, Bumisita sa Lungsod

January 12, 2018 05:58 PM


Dumalaw sa opisina ng Punong Lungsod Kokoy Salvador nitong hapon, Enero 12, si Senador JV Ejercito.

Sa kanilang pag-uusap, inilapit ng Punong Lungsod ang Ospital ng Lungsod San Jose upang magkaroon ng karagdagang gamit na maaaring suportahan ng opisina ng Senador.

Inaasahang magbubukas ang Ospital ng Lungsod San Jose ngayong taon.

Sinabi naman ng senador na tuloy-tuloy ang suporta niya sa mga magagandang adhikain ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Samantala, inikutan din ni Sen. JV ang ilang lugar sa Nueva Ecija tulad ng Talavera, Central Luzon State University at Philippine Carabao Center.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image