#NEWSEVENTS #STO. NIñO 3RD HS AT SEPTEMBER 29, 2020



Sto. Niño 3rd HS at SJC West CS, kampeon sa Chorale Competition

December 19, 2017 12:46 PM


Muling pinatunayan ng Sto. Niño 3rd High School at San Jose West Central School ang kanilang husay sa pag-awit matapos iuwi ang kampeonato sa Secondary at Elementary category sa katatapos na Chorale Competition na ginanap sa City Social Circle noong Biyernes (December 15).

Lubos ang tuwa ng mga nagwagi sa patimpalak dahil matatandaang noong nakaraang taon, ang mga naturang paaralan din ang itinanghal na kampeon sa Chorale Competition.

Isa sa naging winning song ng SN3HS ang “Angels We Have Heard” na inawit nila mula sa puso kaya’t naramdaman ng hurado ang kanilang performance na dahilan naman upang sila’y tanghalin bilang kampeon.

Samantala, makapanindig balahibo namang inawit ng mga bata mula sa San Jose West Central School ang isa sa kanilang winning piece na “O Holy Night”, kung saan mistula silang mga anghel na umawit.

Buo naman ang suporta ni Mayor Kokoy Salvador kasama ang kanyang may-bahay sa panonood ng kompetisyon.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image