#NEWSEVENTS #TAYABO NATURE PARK M SEPTEMBER 18, 2020



Tayabo Nature Park Multi-Purpose Hall, pinasinayaan

June 25, 2019 04:38 PM


Isang bago at maayos na Multi-purpose Hall na naitayo sa pamamagitan ng Congressional Development Fund ng opisina ni Congw. Mikki Violago ng ikalawang distrito ng Nueva Ecija ang pinasinayaan nitong ika-21 ng Hunyo sa Tayabo Nature Park.

Pinangunahan nina Mayor Kokoy Salvador at Congresswoman Mikki Violago ang ribbon-cutting para sa pormal na pagbubukas sa publiko ng nasabing bulwagan na maaaring magsilbing venue ng iba’t ibang okasyon.

Kasabay nito, binasbasan ang naturang gusali at nanumpa sa katungkulan ang mga naitalagang opisyal ng organisasyon ng tourism-related establishments; micro, small, at medium entrepreneurs; at H2P3.

Nakibahagi rin sa programa ang mga opisyal ng barangay at ilang mga residente.

Pamamahalaan ng City Tourism Office ang pagme-mentina ng bulwagan. Upang magamit ito, kailangan lamang magtungo sa naturang opisina para sa kaukulang schedule at permiso.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image