#NEWSEVENTS #11 APRIL 20, 2021



News & Events




City Engineering in Action

Re-graveling of road at Sta. Romana Subd.


Social Distancing Marks at Food Alley

LOOK:
Social distancing markers, nakahanda na para sa pagbubukas ng Street Food Alley sa Public Market.


COVID-19 Safety Measures, Ipinatutupad sa St. Joseph Cathedral

Pinapayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang mass gatherings ng religious organizations, subalit 50% capacity lamang. Kailangan ding obserbahan ang mga istriktong health protocols. Halimbawa nito ay ang pagkuha ng temperatura ng taong dadalo sa misa o church service, at pagre-rehistro sa logbook para sa contact tracing.


PUV safety measures sa #NewNormal

Maayos na ipinatutupad ng Central Terminal sa mga pampasaherong jeep ang mga panuntunan sa pamamasada ngayong panahon ng Modified General Community Quarantine.


EXECUTIVE ORDER NO. 28, s.2020

An Order Prescribing Guidelines and Regulating Mobility in the City of San Jose to be Observed during Modified General Community Quarantine


OPLAN Daloy in action

June 16 - Another day, another waterway sa buhay ng Oplan Daloy Team.


Ayuda para sa mga Sinalanta ng ASF, Ipinamahagi

Ipinamigay nitong umaga, June 16, ng Lokal na Pamahalaaan ang financial assistance sa mga rehistradong nag-aalaga ng baboy na sinalanta ng African Swine Fever (ASF) bago pa man dumating ang krisis na dulot ng COVID-19.


Monday is Market Disinfection Day!

Tulad ng nakasaad sa iskedyul, isinara ang Public Market ngayong araw ng Lunes, June 8, para sa lingguhang disinfection nito.




Mga jeep na bumibiyahe sa San Jose, nakaayos na para sa social distancing

Mga jeep na bumibiyahe sa San Jose, nakaayos na para sa social distancing.

May kawani rin mula sa Central Terminal na nagche-check ng temperatura ng pasahero bago payagang makasakay.


Pag-disinfect sa mga Tricycles Bilang Paghahanda sa Pamamasada

Pagdi-disinfect sa mga tricycles bilang paghahanda sa pamamasada mula June 1. Mayroon ding strategically set up na disinfection stations sa city proper para rito.


Subsidiyang Binhi mula sa DA, Ipinamahagi

Sinimulan nitong Lunes, May 25, ang taunang pamimigay ng binhi mula sa Department of Agriculture para sa mga magsasaka sa lungsod. 


Pamimigay ng Ayudang 10 Kilong Bigas

Sinimulan ngayong Lunes, May 25, ang pamimigay ng panibagong ayudang sampung kilong bigas mula sa Lokal na Pamahalaan para sa lahat ng pamilya sa Lungsod San Jose. Ito na ang pang-apat na tig-sampung kilong bigas mula sa Lokal na Pamahalaan.



Oplan Daloy, tuloy-tuloy kahit may quarantine

Maagang pumasok ang tag-ulan ngayong taon kaya naman tutok ang Oplan Daloy sa paglilinis ng mga kanal at waterways sa lungsod.


Physical distancing markers sa Public Market at City Hall

Sa #NewNormal, ang publiko ay pinakikiusapang sundin ang mga markers na ito bilang gabay sa napakahalagang social/physical distancing.



Paalala Ngayong MECQ

“HINDI KA PA RIN PWEDENG LUMABAS. PERO PAG NAG-COMPLY KA NA, PWEDE KA NANG LUMABAS.” Paano mag-comply? Sino ang pwedeng lumabas? Kailangan, mayroon kang home quarantine pass. O kaya naman, trabahador ka sa negosyo o establisimyentong pinayagang magbukas sa ilalim ng Modified ECQ. Hindi pa rin pwede ang edad 21 yrs old pababa o 60 yrs old pataas, maliban na lamang kung may emergency o essential na kailangang gawin. Ito ay ayon pa rin sa guidelines ng IATF.



Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)

IMPORTANT UPDATE:
Ang Lungsod San Jose ay sasailalim sa MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE mula May 16 hanggang May 31. Ito ay opisyal na lumabas matapos ang update sa page na ito tungkol sa GCQ.


Paghahanda sa Tag-ulan - Oplan Daloy

Habang pinaghahandaan ng lungsod ang paglipat mula sa Enhanced Community Quarantine tungong General Community Quarantine, naghahanda rin ang Oplan Daloy sa paparating na panahon ng tag-ulan at bagyo.