#NEWSEVENTS #12 JANUARY 16, 2021
News & Events
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose sa pagbibigay ng kalinga sa mga Persons with Disability (PWD) kaya muling namahagi nitong umaga, ika-26 ng Hunyo, ng mga prosthetic legs at wheelchairs sa kanila.
Isang bago at maayos na Multi-purpose Hall na naitayo sa pamamagitan ng Congressional Development Fund ng opisina ni Congw. Mikki Violago ng ikalawang distrito ng Nueva Ecija ang pinasinayaan nitong ika-21 ng Hunyo sa Tayabo Nature Park.
Ilang buwan na ang nakararaan nang simulan ng Lokal na Pamahalaan ang paglalagay ng solar street lights sa iba't ibang barangay.
Nagtipon-tipon nitong Miyerkules, Hunyo 12, ang mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan, DepEd, Philippine Army, PNP, BFP, NGO’s at mga miyembro ng organisasyong Free Masonry at Amaranth upang sama-samang ipagdiwang ang ika-121 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Isang mahalagang pagsasanay tungkol sa ligtas at tamang pagmo-motorsiklo ang isinagawa nitong umaga, ika-13 ng Hunyo, sa City Social Circle. Ito ang Motor Riding Safety Training (MRST) na naglalayong makapag-bigay ng tamang kaalaman sa pagmo-motor sa mga kapulisan at mga sibilyan.
Malakas na hiyawan ang bumalot sa buong Pag-asa Sports Complex sa katatapos na Inter-Barangay Basketball and Volleyball Tournament Championship nitong Hunyo 8.
Patuloy ang pagmamalasakit na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga kalungsod nating Persons with Disability (PWD), at kahapon lamang (Hunyo 3) ay tumanggap ang 90 PWD ng isang libong pisong financial assistance.
Matagumpay na naidaos ang Summer Workshop ng Basic Guitar at Basic Keyboard Lesson na inorganisa ng Teen Information Center.
Nagsimula na nitong mga nakaraang araw ang maigting na operasyon ng Oplan Daloy bilang paghahanda sa tag-ulan.
Umarangkada na ang programang Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) nitong ika-20 ng Mayo na may tema sa taong ito na “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan”.
Umarangkada ang 3rd Invitational Motocross sa Brgy. Sto. Tomas nitong Abril 27 na inabangan naman ng mga manonood sa kabila ng matinding sikat ng araw.
Matagumpay na nagtapos ang 75 chikiting sa Kiddie Bible School na inorganisa ng Panlungsod na Aklatan (City Library) katuwang ang Members Church of God International (MCGI).
Pormal nang ipinroklama ng COMELEC nitong umaga, May 14, ang mga naihalal na konsehal sa Lungsod ng San Jose matapos ang opisyal na bilang ng balota.
Dumaloy ang malinis na tubig sa magkakaibang lugar nitong nakalipas na dalawang araw (Mayo 9 & 10) sa Sto. Nino 3rd (Zone IV at Sitio Nilamuyak), Brgy. Camanacsacan, at Sitio Balanak sa Brgy. San Mauricio.
Handang-handa na para mag-responde sa mga kaso ng emerhensiya sa ibayong ilog ang Emergency Response Unit ng City Disaster Risk Reduction & Management Office.
Patuloy ang pagdaloy ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar sa lungsod at nito lamang Mayo 8, dalawang Potable Water System o POWAS ang pinasinayaan at mapapakinabangan na ng mga residente ng Barangay Porais at San Juan.
Jam-packed ang Public Market sa ginanap na Street Concert doon nitong Abril 26 kung saan tampok ang indie pop rock band na December Avenue at ang banda ng dating The Voice Kids Philippines (Season 1) finalist na si Juan Karlos.
Matinding aksiyon ang nasaksihan noong Abril 26 sa 1st Mototrail Enduro Race kung saan tinahak ng mga rider ang mga "off-road" na lugar ng Barangay Tayabo, Villa Marina at Kaliwanagan.
Nag-ala-‘supermodel’ ang 58 aso suot ang mga nakakaaliw at makukulay na costume sa ginanap na Dog Fashion Show ang Look-a-Like Contest noong Abril 27 ng umaga.
Nakakamanghang liksi at husay sa paglaro ng table tennis ang ipinamalas ng mga kabataang lumahok sa 3rd San Jose City Table Tennis Tournament noong Abril 25-26 sa Walter Mart, bilang bahagi pa rin ng Pagibang Damara Festival 2019.