#NEWSEVENTS #13 JANUARY 16, 2021
News & Events
Halos hindi mahulugan ng karayom ang City Social Circle noong Gabi ng Mamamayan, ika-27 ng Abril, sa Pagibang Damara Festival sa dami ng mga San Joseniong nanood ng pagtatangghal ng bandang AEGIS.
Matapos ang mahabang proseso para sa mga pormalidad at mga kinakailangang permiso mula sa Department of Health, pormal nang binuksan ang Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) nitong Miyerkules, ika-1 ng Mayo.
Matapos ang matagumpay na concert ng AEGIS noong Sabado, Abril 27, sa Gabi ng Mamamayan, muli na namang dinagsa ng libo-libong San Josenio ang City Social Circle kinabukasan upang panoorin ang taunang Pagibang Damara Festival Variety Show, kung saan tampok ngayong taon ang mga bituin na sina Andrea Torres, Julie Anne San Jose, at ang isa sa pinakasikat na heartthrobs na si Enrique Gil.
Nagpasiklaban sa bilis at galing ang mga rider sakay ng kanilang mountain bike sa ginanap na Dartmoor Gravity Enduro Race nitong Linggo, Abril 28.
Nagharapan sa isang friendly basketball game ang mga artista kontra mga mason ng Lungsod San Jose nitong Linggo ng hapon (Abril 28) sa City High Gym.
Naging matingkad at makulay ang kahabaan ng Maharlika Highway nitong Huwebes (Abril 25) nang muling masaksihan ang taunang Street Dancing na isa sa pangunahing atraksiyon sa Pagibang Damara Festival.
Hindi napigil ng brownout ang pagkinang ng kagandahan ng dalawampu't apat na kandidato at kandidata para sa Mister & Miss San Jose City 2019 nitong Huwebes, Abril 25 sa PAG-ASA Gym.
Naging maaksiyon ang unang araw ng Pagibang Damara Festival nang simulan ito ng isang Duathlon Race ng mahigit tatlong daang siklista mula sa iba’t ibang lugar gaya ng Pangasinan, Nueva Vizcaya; Bulacan; Metro Manila; Lupao at Llanera, Nueva Ecija.
Ilang sports activities ang tampok din sa pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival 2019 bukod sa iba’t ibang entertainment shows.
Nabalot ng saya, bula, at iba’t ibang kulay ang halos limang libong katao na sumali sa Bubble Fest nitong Miyerkules (Abril 24) bilang bahagi ng ikalawang araw ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2019.
Nagpasiklaban sa galing sa pagsayaw ang walong grupo ng kabataan mula sa iba’t ibang lugar sa ginanap na SK Night Dance Competition kagabi (Abril 23) sa Pag-asa Sports Complex.
Nagsama-sama ang halos 1,200 miyembro ng iba’t ibang Born-Again Christian Churches na kasama sa San Jose City Pastoral Movement (SJCPM) para sa Gabi ng Pasasalamat na idinaos nitong Abril 23 sa City Social Circle.
Mga naggagandahang kasuotang nagpapakita ng kultura ng Pagibang Damara ang bumida noong Lunes, Abril 22 sa City Social Circle sa pre-pageant night ng Mr & Miss San Jose City 2019.
Masarap na agahan ang pinagsaluhan ng mga San Josenian sa isang boodle fight na inihanda ng Lokal na Pamahalaan para sa unang araw ng Pagibang Damara Festival 2019 kahapon, Abril 23.
Presentation of Certificate of Recognition to the Sangguniang Panlungsod (SP) of San Jose City headed by City Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang for being the Provincial Winner (City Category) in the Local Legislative Award 2018 (pursuant to DILG Memorandum Circular No. 2018-130 issued on August 14, 2018).
Nakisaya ang buong caravan ng K-Outreach Program sa Porais nitong Marso 28 at sa Malasin nitong Marso 29 kasabay ng kanilang barangay fiesta upang handugan ng mga libreng serbisyo ang mga residente.
Patuloy ang pagdaloy ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar sa lungsod at nito lamang Marso 28, dalawang Potable Water System (POWAS) ang pinasinayaan at mapapakinabangan na ng mga residente ng Sitio Saranay, Sto. Niño 3rd at Bliss, Malasin.
Bilang pagkilala sa mga kahanga-hangang kontribusyon at mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan sa lungsod, pumili ang Pamahalaang Lokal ng 10 natatanging kababaihan na nakapag-ambag ng karangalan at nagpamalas ng mahusay na paglilingkod sa lipunan.
Patuloy ang pagkilala at pagpapahalaga sa edukasyon ng lokal na pamahalaan.
Naghatid ng saya nitong umaga (Marso 22) ang K-Outreach Program sa Brgy. Parang Mangga sa pamamagitan ng paghahandog ng mga samu’t saring serbisyo at mga bagay na kapaki-pakinabang mula sa iba’t ibang sangay ng Lokal na Pamahalaan.