#NEWSEVENTS #14 JANUARY 19, 2021
News & Events
Patuloy ang pagdaloy ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar sa lungsod at nito lamang Marso 28, dalawang Potable Water System (POWAS) ang pinasinayaan at mapapakinabangan na ng mga residente ng Sitio Saranay, Sto. Niño 3rd at Bliss, Malasin.
Bilang pagkilala sa mga kahanga-hangang kontribusyon at mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan sa lungsod, pumili ang Pamahalaang Lokal ng 10 natatanging kababaihan na nakapag-ambag ng karangalan at nagpamalas ng mahusay na paglilingkod sa lipunan.
Patuloy ang pagkilala at pagpapahalaga sa edukasyon ng lokal na pamahalaan.
Naghatid ng saya nitong umaga (Marso 22) ang K-Outreach Program sa Brgy. Parang Mangga sa pamamagitan ng paghahandog ng mga samu’t saring serbisyo at mga bagay na kapaki-pakinabang mula sa iba’t ibang sangay ng Lokal na Pamahalaan.
Nagpatuloy ngayong araw na ito (March 21) ang 1st Farmers Festival sa City Agriculture Office (CAO) compound kung saan nagbahagi ng kaalaman tungkol sa epekto ng Climate Change at Global Warming sa pagsasaka si Prof. Annie Melinda Paz-Alberto ng Central Luzon State University.
Nagkasama-sama ang mga magsasaka ng lungsod sa isinagawang kauna-unahang Farmer’s Fiesta na may temang “Magsasaka, Ikaw ang Bida” na nagsimula ngayong araw sa City Agriculture Office at magpapatuloy hanggang bukas.
Para mapalawig ang kampanya laban sa droga, naglunsad nitong ika-13 ng Marso ang City Anti-Drug Abuse Council o CADAC ng isang symposium para sa mga kabataan na ginanap sa Sto. Nino 3rd High School.
Nahandugan ng mga libreng serbisyo mula sa iba’t ibang sangay ng Lokal na Pamahalaan ang mga residente ng Pinili sa ginanap na K Outreach Program doon kaninang umaga (Marso 15).
Bilang pagpapatupad sa ordinansa bilang 18-110 o ang Master’s Thesis Writing Program Ordinance, mapalad na napili ang 23 guro mula sa Dibisyon ng San Jose.
Sumalang ang mahigit limangdaang kabataan (537) sa Career Guidance and Employment Coaching na ginanap sa Covered Court, Josephine Village nito lamang March 13.
Nagsanib pwersa ang Oplan Kanilisan at Oplan Daloy kamakailan upang maglinis sa ilang bahagi ng lungsod.
Naging makulay ang kalangitan nang paliparin ang mga naggagandahan at naglalakihang saranggola sa burol sa Bliss, Brgy. Malasin noong Pebrero 27.
Bilang pampabuwenas na pasimula sa buwan ng Marso, namayagpag ang K-Outreach Program nitong Biyernes (Marso 1) sa Brgy. Culaylay upang maghandog ng serbisyo-publiko.
Bilang pagkilala at pagpapahalaga ng Bagong San Jose sa edukasyon, pinasinayaan nitong Lunes, ika-apat ng Marso ang gusali ng Alternative Learning System (ALS) na matatagpuan sa tabi ng DepEd Division Office sa Brgy. Sto. Nino 2nd.
Maganda ang naging simula ng buwan ng Marso para sa Caanawan High School (CHS) matapos pasinayaan ngayong araw (Marso 1) ang bagong dalawang palapag na gusali rito na may apat na silid-aralan.
Tuloy pa rin ang pag-arangkada ng OPLAN KALINISAN na bahagi ng adbokasiya ng Punong Lungsod Kokoy Salvador para sa malinis at kaaya-ayang Lungsod ng San Jose.
Patuloy ang K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa pagbibigay ng mga libreng serbisyo at nitong ika-22 ng Pebrero, dinayo nito ang Brgy. Tayabo.
Patuloy pa rin ang pag-arangkada ng OPLAN LINIS ng Lokal na Pamahalaan sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Sanib puwersa ang Bureau of Fire Protection (BFP), PNP, Philippine Army, Makisig Rescue 3121, Public Order and Safety Office, Ospital ng Lungsod San Jose at City Health Office sa 2019 First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa kaninang umaga sa Agribank, Maharlika Highway.
Tuwang-tuwa ang mga mamamayan sa Brgy. San Juan nang dayuhin ito ng K-Outreach Program nitong ika-14 ng Pebrero upang handugan ng sari-saring libreng serbisyo.