#NEWSEVENTS #15 JANUARY 20, 2021
News & Events
Pansamantalang tigil pasada kahapon, Pebrero 18, ang animnapung (60) TODA sa lungsod matapos silang lumahok sa parada para sa pagsisimula ng Inter-Toda Basketball League.
Pormal nang pinasinayaan ang POWAS sa Sto. Tomas (Zone IX) nitong umaga (Pebrero 15) sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama ang mga opisyal ng barangay at mga residente roon.
Nitong Araw ng mga Puso, ika-14 ng Pebrero, ginanap ang Kasalang Bayan sa City Hall Grounds ganap na alas-kuwatro ng hapon. Hitik sa pag-ibig ang okasyon kung saan animnapung magsing-irog ang pinag-isang dibdib sa isang seremonyas na pinangunahan ng Punong Lungsod Kokoy Salvador.
Dumating sa lungsod nitong umaga, ika-14 ng Pebrero ang mga kinatawan ng Department of Health upang magsagawa ng inspeksyon sa Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) na malapit nang buksan para sa publiko.
Ipinagdiriwang ngayong buwan ang National Oral Health Month kaya nitong Lunes (Pebrero 11), sinimulan na ng City Health Office (CHO) - Dental Division ang pag-iikot sa mga paaralan para magbigay ng libreng serbisyo.
OPLAN LINIS
February 12, 2019 05:51 PM
Hindi lamang mga paaralan ang iniikutan ng Oplan Linis ng Lokal na Pamahalaan kundi ang iba't ibang residential areas din.
Nagsasagawa ngayon ng Oplan Linis ang Lokal na Pamahalaan sa iba’t ibang lugar sa siyudad partikular sa mga paaralan.
Labis na kasiyahan ang nadama ng mamamayan ng Brgy. Canuto Ramos nitong umaga, ika-8 Pebrero, matapos itong dayuhin ng K-Outreach program at nag hatid ng mga libreng serbisyo na ginanap sakanilang Barangay Hall.
Nitong umaga, ika-7 ng Pebrero, pormal nang pinasinayaan ang POWAS sa Sinipit Bubon sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama ang mga opisyal ng barangay at mga residente roon.
Patuloy ang pag-arangkada ng Food for Work Program ng Lokal na Pamahalaan at City Social Welfare & Development Office.
Lubos ang kasiyahan ng mga mamamayan sa Brgy. R. Eugenio matapos itong dayuhin ng K-Outreach program sa kanilang lugar nitong ika-1 ng Pebrero upang handugan ng sari-saring libreng serbisyo.
Mahigit pitong daaang katao ang nabigyan ng bigas sa ilalim ng programang Food for Work ng City Social Welfare and Development Office kahapon, ika-31 ng Enero, sa Brgy. Sto. Niño 2nd.
Tuloy ang paghakbang sa buhay para sa dalawampu’t dalawang “Persons with Disability” makaraan silang masukatan ng prosthetic legs & leg braces nitong araw, ika-30 ng Enero, sa Tanggapan ng PWD sa lungsod.
Opisyal nang binuksan sa publiko ang bagong Sports Activity Center sa lungsod na matatagpuan sa tabi ng Pag-asa Sports Complex (likod ng Magic Mall 2), Brgy. F.E. Marcos.
Sinimulan na ang Operation Timbang sa mga barangay nitong Martes (Enero 22) sa pangunguna ng City Nutrition Office, City Population, at City Health Office, katuwang ang mga Barangay Health Worker upang matutukan ang kalusugan ng mga bata.
Nagdaos ng programa nitong umaga (Enero 22) sa San Jose City National High School Gym bilang paghahanda sa nalalapit na 2019 Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet na gaganapin sa darating na Pebrero 3-8 sa Iba, Zambales.
Malayo sa kabayanan ang Sitio Naglaoag sa Brgy. Sto. Niño 3rd at salat ito sa tubig kaya naman napili itong handugan ng Potable Water System (POWAS) ng Lokal na Pamahalaan.
Upang lalong pasayahin ang fiesta ng Brgy. Sto. Nino 1st, nagtungo nitong umaga, ika-18 ng Enero, sa lumang covered court ng barangay ang K-Outreach Program at naghatid ng mga libreng serbisyo sa mga mamamayan.
Hakot parangal ang Lungsod San Jose sa idinaos na 7th Central Luzon Excellence Awards for Health (CLExAH) 2018 na iginawad ng Department of Health (DOH) nitong Martes, January 15, sa Royce Hotel, Clark Freeport, Pampanga.
Labis na kasiyahan at ngiti ang nakita sa sampung PWD benepisyaryo mula sa iba't ibang baranggay nang kanilang tanggapin ang wheelchairs mula sa Lokal na Pamahalaan nitong Lunes, ika-14 ng Enero.