#NEWSEVENTS #16 JANUARY 20, 2021
News & Events
Nagkataong fiesta sa Brgy. Sto. Nino 2nd kaya naman pinapiyestahan din ng mga mamamayan ang pagdayo ng K-Outreach Program nitong ika-14 ng Enero na ginanap sa kanilang covered court.
Patuloy pa rin ang pagdaloy ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar sa pamamagitan ng proyektong Potable Water System (POWAS) sa ilalim ng administrasyon ng Punong Lungsod Kokoy Salvador.
Kasisimula pa lamang ng Bagong Taon, umarangkada na agad Lokal na Pamahalaan sa paglilingkod sa mga mamamayang naninirahan sa malalayong lugar sa pamamagitan ng K-Outreach Program na dumayo sa Brgy. Sto Nino 3rd nitong Lunes, ika-7 ng Enero.
Bagamat maulan ang panahon, walang nakapigil sa New Year Countdown na inihanda ng Lokal na Pamahalaan para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Isang “magical” na gabi ang nasaksihan ng mga San Josenian nitong December 18 sa City Social Circle (Keg-keg) matapos magtanghal ang Elemento Art of Magic at Nueva Ecija Magician, Ventriloquist and Clown (NEMVC) Society.
Labis ang kasiyahan ng mga chikiting mula sa Day Care centers nitong umaga, ika-18 ng Disyembre, matapos ganapin ang Day Care Children’s Christmas Festival sa Pag-Asa Sports Complex kasama ang kanilang mga magulang at guro.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Kokoy Salvador, nakapag-uwi na naman ng panibagong karangalan ang Lungsod San Jose.
Nasungkit ng St. John’s Academy ang kampeonato sa Liwanag ng Pasko sa San Jose – Chorale Competition (High School Division) mula sa Sto. Niño 3rd National High School nitong Biyernes, Disyembre 14, sa ginanap na Grand Finals sa San Jose City Social Circle.
Tinanggap ni Mayor Kokoy ang “Regional Literacy and NALSTAR Award” sa kauna-unahang awarding na isinagawa ng Department of Education – Region III bilang pagkilala sa kaniyang marubdob na pagsuporta sa programang Alternative Learning System (ALS).
Isa na namang liblib na lugar ang naabot ng Potable Water System (POWAS) project ng Lokal na Pamahalaan nang pasinayaan ang pang-labingwalong (18) POWAS nitong araw, Disyembre 10 sa Sitio Cumabol , Brgy Caanawaan
Ipinagdiwang nitong ika-6 ng Disyembre sa Pag-Asa Sports Complex ang International Day of Persons With Disabilities (PWD) na naglalayong bigyan ng pagkilala ang mga may kapansanan.
Ipinagdiriwang ngayon sa lungsod ang Linggo ng Kabataan na sinimulan nito lamang Lunes, Disyembre 3.
Hindi lamang ang pagpapaganda at pagpapasikat ng Lungsod San Jose ang tinututukan ng administrasyon ni Punong Lungsod Kokoy Salvador. Sa likod ng mga nakikitang proyektong nagpapaganda sa bayan, tahimik na lumalakad ang mga proyektong napapakinabangan ng mga mamamayan sa mga liblib na lugar.
Mula sa 34 paaralang kalahok sa elementary at high school sa Chorale Competition sa lungsod ay napili na ang anim na paaralang magtatapatan para sa nalalapit na grand finals na gaganapin sa Disyembre 14.
Dinagsa ng mga mamamayan sa Brgy. Calaocan ang K Outreach Program na ginanap doon kahapon, ika-28 ng Nobyembre at nahandugan ng mga libreng serbisyo mula sa mga sangay ng Lokal na Pamahalaan.
Ipinagdiriwang sa linggong ito ang 84th National Book Week, kaya naman ilang aktibidad ang inihanda ng City Library upang maipalaganap ang pagmamahal sa pagbabasa at pagpapahalaga sa literatura.
Isa na namang matagumpay na K-Outreach ang idinaos nitong nakaraang Biyernes, ika-23 ng Nobyembre sa Brgy. Sibut.
Bilang Christmas Capital ng Nueva Ecija, lalo pang pinaningning ang kalunsuran sa ginanap na Lantern Parade and Competition nitong Sabado, Nobyembre 24.
Tuloy po kayo sa Christmas Capital ng Nueva Ecija!
Nilagdaan na nitong umaga ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador at Department of Health (DOH) sa pangunguna naman ni Dr. Edwin V. Santiago, Provincial Team Leader ng DOH Nueva Ecija para i-turn over ang sertipiko ng health infrastructure ng Ospital ng Lungsod San Jose (OLSJ).