#NEWSEVENTS #19 JANUARY 20, 2021
News & Events
Pormal nang pinasinayaan at binasbasan nitong araw, Setyembre 10, ang pagbubukas ng dalawang mahahalagang opisina na magiging kaakibat ng mga kabataan sa Lungsod San Jose: ang Teen Information Center (TIC) at Local Youth Development Office (LYDO). Ginanap ang okasyon sa 3rd Floor, City hall Building.
Para sa maayos na pagpapatupad ng peace & order sa mga barangay, muling nagbigay ng pagsasanay ang PNP San Jose para sa mga Barangay Tanod na ginanap nitong Setyembre 6-7 sa 3rd Floor, City Hall Building.
Mula sa pagbibitbit ng panindang isda, sampung San Josenio ang mapalad na tumanggap ng libreng fish cart tribike, dalawang piraso ng tig-16 liters na cooler, at timbangan kamakailan.
Nakatanggap ang San Jose City Training Center ng dalawang daang libong piso mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) bilang ayuda para sa kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II.
Tinanghal na kampeon ang grupong SJC Masonic Lodge 309 and Judiciary matapos pataubin ang 17 grupo ng magagaling na bowlers sa lungsod na nagtagisan sa kauna-unahang Mayor Kokoy Salvador Bowling Tournament.
Nakiisa ang mga San Josenian at iba pang mga taga-karatig bayan sa isinagawang bloodletting activity ng City Health Office (CHO) katuwang ang PJG Memorial Research and Medical Center noong ika-28 ng Agosto.
Nagpaulan ng saya ang sikat at tinatangkiik na K-Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa Brgy.Bagong Sikat noong ika-17 ng Agosto, 2018.
Mapalad na tumanggap ng tig-isang 50-inch LED TV ang Sto. Niño Ciriaco-Esteban Elementary School at Sto. Niño 2nd Elementary School noong Agosto 15.
Personal na binisita ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang anim na sanggol na isinilang sa mismong araw ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day upang handugan ng regalo.
Isa ang Punong Lungsod Kokoy Salvador sa ginawaran ng Nueva Ecija Police Provincial Office ng Plaque of Appreciation bilang pagkilala sa pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga programa ng nasabing ahensya lalo na pagsugpo sa droga.
Nagpakitang-gilas sa bilis ng pagbibisikleta ang halos isang daang siklista mula Luzon, Visayas at Mindanao kasama ang Philippine National Team ng enduro/downhill noong Agosto 12.
Kasabay ng nakaraang pagdiriwang ng 49th San Jose City Day ay binasbasan na rin ang siyam na ambulansya/ rescue vehicle na magbibigay ng serbisyo sa mga barangay Abar 1st, Abar 2nd, A. Pascual, Kaliwanagan, Kita-Kita, Manicla, Pinili, Porais, at Tondod.
Pormal nang naigawad sa Barangay FE Marcos ang bago at maayos na barangay hall na sinimulang gawin noong Oktubre 2017.
Tuloy-tuloy ang pagtupad ng Lokal na Pamahalaan sa pangakong paghahatid ng malinis at naiinom na tubig sa mga lugar na hirap na marating nito.
Itinampok sa Lungsod San Jose sa kauna-unahang pagkakataon ang Big Bike Invitational Ride kung saan dumayo ang 19 na grupo na nagmula pa sa iba't ibang bayan mula Hilaga hanngang Timog Luzon.
“Isang lungsod na maipagmamalaki, mahal ko ang San Jose”
Nagtagisan ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod sa larangan ng Essay Writing, Slogan Writing, Poster Making, at Pintahusay noong Agosto 8, 2018 sa City Hall Building.
Nagkarera ang matitipunong rice miller workers, harvester operators, market porters at farmers sa lungsod na lumahok sa larong “Kariton Mo, Itulak Mo” na isinagawa nitong Agosto 10, bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng 49th San Jose City Day.
Mahigit walong daang aplikante (818) ang sumubok ng kapalaran sa isinagawang Job Fair nitong nakaraang Biyernes na ginanap sa San Jose West Central School Covered Court, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day.
Idinaos ang “Symposium on Health Programs, Turn-Over and Ribbon-Cutting of New Health Facilities and Awarding of Health Workers” noong Sabado, Agosto 11, sa PAG-ASA Sports Complex bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day.