#NEWSEVENTS #2 FEBRUARY 20, 2020



News & Events




8 Elementary School, pasok na sa Chorale Competition Semifinals

Muling napakinggan ang tinig ng mga mag-aaral sa serye ng Chorale Competition na ginanap nitong Nobyembre 22 at 27 para mapili ang mga paaralang magtatagisan sa semifinals.


Lantern Competition 2019

Lalong nagningning at nadama ang Kapaskuhan sa Lungsod San Jose kagabi (Nobyembre 26) dahil sa makukulay na parol na ipinarada ng 13 paaralan sa Lantern Competition ngayong taon. 


Mayor’s Cup Basketball Tournament, nagsimula na

Nag-umpisa na ang bakbakan ng mga basketbolista sa Mayor’s Cup Basketball Tournament kahapon (Nov. 26) sa Pag-asa Sports Complex, bilang patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa larangan ng isports.


Konstruksyon ng mas modernong Fire Station, sisimulan na

Isinagawa kahapon  (Nov. 25) ang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong bago at mas malaking istasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP San Jose na matatagpuan sa kahabaan ng Maharlika Highway, Abar 1st.


Chorale Competition 2019

Tunay na damang-dama na ang Kapaskuhan sa lungsod lalo pa’t nagsimula na ang serye ng tagisan sa pag-awit ng mga mag-aaral sa taunang Chorale Competition. 


Mga kabataan, nagtagisan sa balagtasan

Nagpamalas ng galing ang mga kabataan sa ginanap na "Balagtasan sa Aklatan" nitong Lunes (Nobyembre 18) na inorganisa ng City Library and Information Center.


47 magsasaka, nagtapos sa Farmer Field School

Matagumpay na nagtapos ang 47 magsasaka na nakilahok sa Palay Check Farmer Field School Season Long Training ng City Agriculture Office.


BOSS Caravan

Kasalukuhang isinasagawa ngayong linggong ito ng Business Permit & Licensing Office ang Business One Stop Shop (BOSS) Caravan sa Public Market bilang serbisyo sa mga negosyante at mangangalakal dito. 


San Jose City Lights

Tuloy po kayo sa maningning na Christmas Capital of Nueva Ecija.


“Basta Driver, Responsible Father”

Nagsagawa ang City Population Office (CPO) nitong Sabado, Nobyembre 9 ng seminar para sa mga tricycle drivers na tinawag na “Basta Driver, Responsible Father: Men's Involvement in Responsible Parenthood and Family Planning”.


K-Outreach sa Brgy. Tulat

Kagaya ng mga naunang barangay na dinayo na ng K-Outreach Program, naging matagumpay din ang  pagbibigay ng mga libreng serbisyo sa mga residente ng Brgy Tulat nitong Huwebes (Nobyembre 07).


Lungsod San Jose, muling nagliwanag para sa Kapaskuhan

Nagdulot ng makulay na liwanag sa lungsod ang pinaka-aabangang Pailaw nang pormal na buksan ng Punong Lungsod Kokoy Salvador ang mga Pamaskong ilaw nitong gabi, November 8, matapos ang isang maikling programa. 


Black Team, overall champion sa 2019 LGU Sportfest

Muling nagtipon-tipon ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan nitong Biyernes, Oktubre 25 sa Pag-asa Sports Complex para sa pagtatapos ng 2019 LGU Sportsfest.

Makaraan ang isang buwang tagisan ng limang koponon sa larong basketball, volleyball, bowling, badminton, table tennis, at chess, nanaig ang Black Team at itinanghal na overall champion sa taong ito. 


Koponan mula Bulacan, kampeon sa Rebisco Volleyball League

Dumayo sa lungsod ang iba’t ibang Volleyball team mula Cagayan Valley, Isabela, Pampanga, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Zambales, at Bulacan para sa Rebisco Volleyball League 2019 - Northern Luzon Regional Finals 2019.


Ikalawang POWAS, dumaloy na sa Brgy. Tondod

Pormal na pinasinayaan ngayong umaga (Oktubre 29) ang ikalawang Potable Water System (POWAS) sa Brgy. Tondod. 

Itinayo sa Sitio San Raymundo ang naunang POWAS sa nasabing barangay at ngayon naman ay sa Sitio San Pedro. 


Rebisco Volleyball League 2019, umarangkada na

Pormal nang binuksan ang Rebisco Volleyball League 2019 - Northern Luzon Regional Finals 2019 ngayong araw, Oktubre 28 sa Pag-asa Sports Complex.


K Outreach sa Brgy. Sibut

Matagumpay na naman ang isinagawang K-Outreach Program nitong Oktubre 17 sa Sibut kung saan nakinabang ng mga libreng serbisyo ang mga residente rito.



Mga lolo at lola, humataw sa pagsasayaw

Pinatunayan ng mga lolo at lola na hindi hadlang ang kanilang edad makaraang aktibo at masaya silang lumahok sa sayawan nitong Oktubre 11 sa Pag-Asa Sports Complex, Brgy. F. E. Marcos.


POWAS, umagos na sa Brgy. Kita-Kita

Patuloy na tinutupad ni Mayor Kokoy Salvador ang pangakong mabigyan ang mga mamamayan ng malinis na tubig. Nitong umaga (Oktubre 17), pormal na pinasinayaan ang Potable Water System (POWAS) sa Brgy. Kita-Kita.


Pagsusuot ng helmet, mahigpit nang ipinatutupad sa lungsod

Kailangan nang nakasuot ng helmet ang lahat ng nagmamaneho ng motorsiklo dito sa lungsod bilang pagsunod sa itinakda ng batas na Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet Act.