#NEWSEVENTS #27 APRIL 20, 2021
News & Events
Pormal nang inilunsad nitong Martes, Mayo 16, ang unang araw ng Summer Sports Clinic na nilahukan ng 182 kabataan mula sa iba't ibang barangay sa lungsod.
Mahigit limampung (53) magsasaka mula sa lungsod ang nagtapos sa apat na buwang pag-aaral kaugnay sa Farmers Field School (FFS) Palay Check ng Provincial at City Agriculture Office.
Halos limampung kabataan ang lumahok sa ginanap na FEP Agri Yo: Youth Farmers Training ng Jollibee Group Foundation at PETA, katuwang ang City Cooperative Development Office at City Agriculture Office sa Hotel Francesko nitong Huwebes, Mayo 10.
Nagsagawa ng Nutrition Evaluation sa lungsod ang mga kinatawan ng Nutrition Office Region III upang alamin ang kalagayan ng kalusugan ng mga kabataan dito.
Binigyan ng Lokal na Pamahalaan ng tulong pinansiyal ang 100 PWD o Persons with Disability mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod kahapon, May 7, sa isang aktibidad na ginanap sa City Hall.
Patuloy pa rin ang lokal na pamahalaan sa paghahatid ng mga libreng serbisyo sa pamamagitan ng K Outreach Program na dumayo sa Brgy. Porais nitong Mayo 3.
Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng San Jose City Pastoral Movement nitong Abril 25 para pangunahan ang Gabi ng Pasasalamat na idinaos sa City Social Circle.
Nagpagalingan ang mahigit 120 skateboarders sa kauna-unahang Skateboarding Competition sa lungsod na sinalihan hindi lamang ng mga taga-San Jose kundi pati mga taga-Maynila, Tuguegarao, Nueva Vizcaya, Bulacan, Pangasinan, Cabanatuan, Baler at Sta. Rosa.
Nasubukan ang husay ng motor riders sa isinagawang Motocross Competition noong Sabado (Abril 27) sa Sto. Tomas, kung saan dumayo pa ang mga sikat na motor rider na sina Jerick Mitra, ang pride ng Rizal, Nueva Ecija at si Bornok Mangosong ng Team UA Mindanao.
Iba’t ibang uri ng mga alagang hayop ang tampok sa katatapos na Pet and Dog Fashion Show ng City Veterinary Office na ginanap sa Pag-asa Sports Complex noong Linggo (April 29).
Isang exciting na volleyball exhibition game ang ipinamalas ng mga Tacloban Fighting Warays at Banko Perlas nitong Linggo (April 29) na dumayo sa lungsod upang makibahagi sa Pagibang Damara Festival.
Naghatid ng kilig at saya ang singer/actor na si Ariel Rivera sa mga dumalo Gabi ng Mamamayan nitong Sabado (April 27) na ginanap sa City Social Circle bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.
Agaw atensyon ang magarbo at makulay na street dancing competition ngayong taon na isa sa pinakaaabangang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.
Dumagundong ang Pag-asa Sports Complex nang rumampa ang mga naggagandahang kandidata para sa Miss San Jose City 2018 pageant na ginanap kagabi (Abril 27).
Patuloy ang pag-arangkada ng mga aktibidad sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival. (April 27)
Nagpakitang-gilas sa bilis ng pagbibisikleta ang mahigit 300 siklista nitong Abril 25 bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival 2018 sa lungsod.
Nagningning ang Lungsod San Jose kagabi (Abril 26) sa isinagawang kauna-unahang Blacklight Color Run dito na nilahukan ng mahigit 4,000 katao.
Dumagundong ang San Jose City National High School Gym sa lakas ng hiyawan at tilian ng libo-libong manonood na dumagsa rito para panoorin ang Artista vs Knights of Columbus (K of C) Basketball Game kahapon (April 26).
Kamangha-manghang talento sa pag-awit ang ipinamalas ng 10 kalahok sa Voices Kids 2018 (Pop Idol) na ginanap kagabi sa Pag-asa Sports Complex.
Tunay na isang masayang salo-salo para sa masaganang ani ang isinagawang Boodle Fight nitong umaga (Abril 26) sa City Social Circle at naitampok pa ito sa programang Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.