#NEWSEVENTS #28 JANUARY 16, 2021
News & Events
Hindi alintana ang maulan o maaraw na panahon, opisyal nang sinimulan noong Huwebes, Setyembre 13, ang taunang LGU Sports Fest.
Binigyan ng tig-iisang libong pisong cash gift kahapon ng Lokal na Pamahalaan ang Persons with Disability (PWD) na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Agosto at maging ang mga may kaarawan ngayong Setyembre.
Pormal nang nagpakilala ang bagong itinalagang PNP Chief of Police ng lungsod na si Police Superintendent Marco A. Dadez nitong Lunes (September 11) sa San Jose City Police Station na dinaluhan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, Police Senior Superintendent Antonio Yarra at PRO3 Deputy Director for Administration P/Supt. Elmer Bantug.
Bumida ang mga kabataan edad 2-12 taon sa awdisyon para sa “Little Big Shots”, isang talent showcase na kasalukyang umeere sa ABS-CBN, noong Setyembre 7 sa City Hall sa pakikipagtulungan ng City Tourism Office sa production unit ng naturang show.
Nagbahagi ng kaalaman ang Farmer Entrepreneurship Program (FEP) Learning Resource Center ng Lungsod ng San Jose sa isinagawang ASEAN Corporate Social Responsibility (CSR) Fellows’ Visit kahapon (September 7) na ginanap sa KALASAG consolidation area sa Brgy. San Agustin.
Ginawaran ngayong araw na ito (Setyembre 7) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Lokal na Pamahalaan ng tatlong daang libong piso na gagamitin para sa iba’t ibang proyektong pangkabuhayan.
Magsisimula na sa Setyembre 16 ang isandaan at dalawampung araw (120) na feeding program ng City Social Welfare and Development Office para sa Day Care pupils sa lungsod para sa taong ito.
Sumalang sa dalawang araw na pagsasanay ang 32 magsasaka sa lungsod nitong Lunes at Martes sa DA Demo Farm Malasin.
Ibinihagi ng KALASAG farmers sa mga bisita mula sa Nepal at Sri-lanka ang tungkol sa tamang pag-oorganisa ng mga plano para sa kanilang mga produkto, nitong nakaraang Huwebes (August 31) sa Brgy. San Agustin.
Mainit na sinalubong sa City Hall ang Southeast Asian (SEA) Games Gold Medalist na si Aries Toledo nitong hapon, matapos ang panayam ng Radyo Natin sa atletang Novo Ecijano.
Sa pamamagitan ng K-Outreach Program, patuloy pa rin ang Lokal na Pamahalaan sa paghahatid ng mga libreng serbisyo sa mga barangay ng lungsod.
Hindi pa rin tumitigil ang Lokal na Pamahalaan sa pagtulong at pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga barangay sa lungsod sa pamamagitan ng K-Outreach Program.
Inilunsad nitong Agosto 18 ang School-Based Immunization Program ng Department of Health (DOH) at DepEd sa San Jose West Central School na may tema ngayong taon na: “Bakuna para sa Kabataan, Proteksyon sa Kinabukasan”.
Ginawaran ng Bureau of Fire Protection ng isang Plaque of Appreciation si Punong Lungsod Kokoy Salvador bilang pagkilala sa kanyang walang sawang suporta sa ahensiya.
Nagtagisan ng talino ang mga estudyante mula sa pribado at pampumblikong paaralan sa lungsod sa 19th Inter-School Quiz Bee na ginanap nitong August 10 sa San Jose City National High School sa pamumuno ng Narra Lodge 171 at pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan.
Napa-rock ‘n roll noong gabi ng Agosto 10 ang mga nanood ng kauna-unahang “Galing Mo, Show Mo” sa lungsod nang masaksihan ang mga kakaibang talento ng mga San Josenians na kalahok sa nasabing patimpalak.
Personal na binisita ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang labing-isang sanggol na isinilang noong Agosto 10, araw ng selebrasyon ng ika-48 anibersaryo ng Lungsod ng San Jose. Ang mga sanggol na ito ay tinawag na "City Day Babies".
Bumida ang mga matitipunong trabahador ng rice mills, kamalig at palay buying stations sa lungsod na lumahok sa bagong larong “Kariton Mo, Itulak Mo” na isinagawa nitong Agosto 9 sa Pag-asa Sports Complex bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika- 48 taong pagkakatatag ng lungsod.
Dinumog ng mga aplikante ang isinagawang Job Fair ng Peso kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Lungsod San Jose.
Idinaos muli sa lungsod ang Gatas ng Kalabaw Festival nitong Agosto 9 na mainit na tinangkilik ng mga San Josenian.