#NEWSEVENTS #29 JANUARY 20, 2021
News & Events
Personal na binisita ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang labing-isang sanggol na isinilang noong Agosto 10, araw ng selebrasyon ng ika-48 anibersaryo ng Lungsod ng San Jose. Ang mga sanggol na ito ay tinawag na "City Day Babies".
Bumida ang mga matitipunong trabahador ng rice mills, kamalig at palay buying stations sa lungsod na lumahok sa bagong larong “Kariton Mo, Itulak Mo” na isinagawa nitong Agosto 9 sa Pag-asa Sports Complex bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika- 48 taong pagkakatatag ng lungsod.
Dinumog ng mga aplikante ang isinagawang Job Fair ng Peso kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Lungsod San Jose.
Idinaos muli sa lungsod ang Gatas ng Kalabaw Festival nitong Agosto 9 na mainit na tinangkilik ng mga San Josenian.
Nagmistulang Hawaiian Party ang isinagawang parada kahapon mula sa City Social Circle hanggang PAG-ASA Sports Complex para sa pagdiriwang ng 48th San Jose City Day.
Isa na namang bagong atraksyon sa lungsod ang inaasahang magiging popular na pasyalan at “selfie background” ng mga San Josenio.
Naging makulay ang pagbubukas ng unang araw ng 48th San Jose City Day Celebration sa pamamagitan ng pagdaraos ng kauna-unahang Color Run sa lungsod.
Kasisikat pa lamang ng araw kanina, Agosto 4, nang aktibong naglinis sa Sibut-Palestina Bridge ang mga hepe ng iba’t ibang opisina ng DILG sa mga bayan ng Nueva Ecija, kasama Makisig Rescue 3121, Public Order & Safety Office at mga opisyal ng Barangay Sibut at Palestina. Maging ang Punong Lungsod Kokoy Salvador ay masiglang sumuporta at sumali sa paglilinis.
Naging paksa sa pagpupulong ng market vendors na ginanap sa Office of the City Mayor Conference Room nitong hapon (August 2) kasama ang Punong Lungsod Kokoy Salvador ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa Public Market.
Bilang suporta at pasasalamat sa mga negosyanteng dumadayo sa lungsod upang magtayo ng negosyo, pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang ribbon cutting ng Turks kaninang umaga (Agosto 1) sa Magic Mall 2 Bldg, Maharlika Highway, San Jose City.
Lumabas ang pagkamalikhain ng mga batang San Josenio sa katatapos na Essay Writing, Slogan Writing, Poster Making at Pintahusay contests na isinagawa sa 3rd Floor Conference Room noong Huwebes, July 27, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-48 San Jose City Day.
Iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo na may temang “Healthy Diet, Gawing Habit for Life” ang aktibong sinalihan hindi lamang ng mga bata kundi maging ng mga nanay at mga sanggol nitong Hulyo 25.
Ipinamalas ng mga nanay mula sa 58 day care centers sa lungsod ang kanilang husay sa pagluluto ng iba’t ibang masusustansyang putahe, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month na ginanap sa Pag-Asa Sports Complex nitong Martes (July 25).
Malugod na tinanggap ng mga residente ng Sitio Maasip, Brgy. Tayabo at Batong Lusong, Brgy Villa Floresta ang 100 Long Lasting Insecticide-Treated Net o LLITN na ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan sa mga lugar na tinatayang high risk sa panganib na dala ng dengue.
Tumanggap na ng financial assistance ang walumpung estudyante na kabilang sa unang batch ng Iskolar ng Bayan para sa 1st Semester ng SY 2017 – 2018 nitong Lunes (July 24) sa City Hall Conference Room.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, nagpakitang gilas ang pitong probinsya ng Region 3 sa katatapos na PWD Got Talent na ginanap sa Marquee Mall, Angeles City, Pampanga noong Biyernes, July 21.
Bilang suporta at pakikiisa ng lungsod sa all-out war against dengue, patuloy na isinasagawa ng Sanitation Division ng City Health Office ang programang ABKD o Aksyon Barangay Kontra Dengue ng DOH.
Nilagdaan na nitong Martes (July 18) ang Memorandum of Agreement kaugnay sa programang Milk Supplementation na naglalayong makatulong upang mabawasan ang bilang ng mga batang may malnutrisyon sa lungsod.
Pormal na binuksan noong Lunes, July 17, ang unang araw ng selebrasyon ng ika-39 National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “ Karapatan Pribelehiyo ng Maykapansanan: Isakatuparan at Ipaglaban”, na ginanap sa Pag-asa sports complex, barangay F. E. Marcos.
Nitong Hulyo 13-14, nagsimula nang bumaba ang mga libreng serbisyong hatid ng Lokal na Pamahalan sa pamamagitan ng K-Outreach Program sa Brgy Abar 1st, kung saan dumagsa ang mga residente particular na ang mga taga-Pabalan.