#NEWSEVENTS #30 JANUARY 16, 2021
News & Events
Patuloy na naghahatid ng libreng serbisyo ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng K Outreach Program.
Simula noong nakaraang buwan ay madalas na nga ang pagbuhos ng malakas na ulan, at ang panahon na ito ay sinasabayan naman ng aktibong operasyon ng Oplan Daloy ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng City Engineering Office.
Age doesn’t matter, ika nga pagdating sa pag-ibig.
Nitong nakaraang Huwebes at Biyernes (Hunyo 29-30), nagtungo naman sa Brgy. Calaocan ang K Outreach Program dala ang mga libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Isa na namang patunay na “Nobody Left Behind” sa larangan ng edukasyon ang nasaksihan noong Biyernes (June 30) nang ilunsad ng DepEd Division of San Jose City ang kanilang bagong programang MEP o Madrasah Education Program.
Tuwang-tuwa ang mga katutubong Kankanaey na nasa Sitio Batong-Lusong, Villa Floresta sa hatid na insecticide-treated na kulambo ng City Health Office (CHO) at ni Punong Lungsod Kokoy Salvador kaninang umaga (June 30).
Pansamantalang nahinto ang trabaho ng mga empleyado ng City Hall upang makiisa sa National Earthquake Drill bilang paghahanda kung sakaling yayanigin ng 7.2-magnitude earthquake ang bansa.
Noong Huwebes at Biyernes ng nakaraang linggo, Hunyo 22 at 23, ibinaba sa Barangay Sibut ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng K Outreach Program. Subalit bago pa man bumaba ang K-Outreach, nauna na nang mamigay ng bigas noong Hunyo 21 ang City Social Welfare & Development Office sa mga volunteers na naglinis sa barangay sa pamamagitan ng Food for Work Program, kung saan ang mga tumutulong sa paglilinis sa pamayaman ay nakakatanggap ng bigas mula sa lokal na pamahalaan.
Tumanggap ng tig-iisang libong cash gift kahapon ng umaga (Hunyo 22) sa City Hall ang 339 na persons with disability (PWD) na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo.
Sa pagpapatuloy ng inspeksyon sa mga infrastructure projects ng lungsod, bumisita kamakailan si Mayor Kokoy Salvador kasama si City Engineering OIC Engr. Carlito Peralta Jr. sa itinayong Potable Water Supply System sa Sampugo, Brgy Kita-Kita at sa Brgy Tayabo.
Pinanguhanan ni Mayor Kokoy Salvador ang pagbubukas ng carinderia at sari-sari store na naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal sa ilang “Children in Conflict with the Law” na nasa Crisis Intervention Center ng City Social Welfare Development sa Sto Nino 1st nitong Hunyo 16.
Pormal nang nagtapos ang 13 special children na kabilang sa ikalimang batch ng Special Home Study na bahagi ng programang Hatid Dunong Part IV ng Panlungsod na Aklatan (City Library). Nagsilbing guro sa Special Home Study ang mga kawani ng City Library, kung saan anim na buwan silang nagturo sa mga bata ng alpabeto, pagguhit at pagsulat.
Bilang pagtupad sa kanyang pangakong mauuna ang kapakanan ng mga mamamayan, isa namang barangay na malapit sa bayan ang binisita ng K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan kung saan naghatid ng mga serbisyong publiko sa loob ng dalawang araw.
Inumpisahan na nitong ika-14 ng Hunyo sa ilang piling elementary school ang araw-araw na supplementary feeding program ng lokal na pamahalaan, katuwang ang City Cooperative Development Office, Philippine Carabao Center at Department of Education.
Umabot sa 630 kilo ng corn seeds ang natanggap ng 70 kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod nitong June 5 sa Demo Farm, Malasin.
Nagsasagawa ng ocular inspection si Punong Lungsod Kokoy Salvador ngayong linggo sa mga kasalukuyang proyekto sa iba’t ibang panig ng lungsod.
Pinulong sa unang pagkakataon ni Mayor Mario Kokoy O. Salvador ang lahat ng punong-guro ng pampublikong paaralan ng lungsod kahapon upang makilala ang mga ito at mapag-usapan ang mga nais nilang idulog sa lokal na pamahalaan.
Upang muling itatag ang damayan ng mga San Jose City Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), tinipon ang mahigit 100 TODA presidents sa lungsod nitong Biyernes, ika-9 ng Hunyo kung saan dumalo ang Punong Lungsod Kokoy Salvador upang magbigay suporta at ihayag ang magiging sistema ng damayan.
Nagtipon-tipon kahapon (June 12) ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, DepEd, Philippine Army, PNP, BFP, NGO’s at mga miyembro ng organisasyong Free Masonry at Amaranth upang sama-samang ipagdiwang ang ika-119 na Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin.”