#NEWSEVENTS #31 AUGUST 10, 2020



News & Events




Little City Officials, nanungkulan na
December 06, 2016 04:07 PM

Nanumpa na nitong Lunes ang mga kabataang magsisilbing opisyal ng lokal na pamahalaan sa loob ng isang lingo bilang pagdiriwang sa Linggo ng Kabataan.


World AIDS Day, ginunita sa lungsod
December 05, 2016 05:28 PM

Aktibong nakiisa nitong Huwebes (Desyembre 1) ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa isinagawang Seminar and Lecture patungkol sa HIV bilang bahagi ng paggunita ng World Aids Day sa taong ito.


Bloodletting activity, isinagawa sa lungsod
December 05, 2016 05:16 PM

Nagsagawa ng bloodletting activity ang City Health Office katuwang ang PJG Memorial Research and Medical Center nitong ika-lima ng Disyembre na may temang “Dugo ko, Buhay Ko”.


Beautification Program ng Lokal na Pamahalaan, patuloy pa rin
November 29, 2016 04:58 PM

Patuloy pa rin ang isinasagawang beautification program ng Lokal na Pamahalaan sa iba’t ibang lugar sa lungsod kabilang na dito ang Oplan Daloy kung saan pinapanatili ang kalinisan sa mga daluyan ng tubig, estero at kanal, pagsasaayos ng mga manhole sa daanan, clean-up drive at iba pa.


All Out War Kontra Dengue, pinaigting sa lungsod
November 24, 2016 04:34 PM

Pinulong ang mga kapitan at kagawad ng bawat barangay sa lungsod para magtulong-tulong sa maigting na kampanya kontra dengue, sa pangunguna ng mga kawani ng CHO kasama ang LDRRMO nito lamang Martes (Nobyembre 22).


TESDA Courses sa San Jose, dadami na!
November 23, 2016 09:23 AM

Naaprubahan na ang ordinansa bilang16-216-A o ang ordinansang nagsasaad na madagdagan ang mga kursong iaalok sa San Jose City Skills Training Center.


Binhi ng sibuyas ipinamahagi sa mga magsasaka
November 22, 2016 04:47 PM

Bilang ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng pesteng arabas o armyworm, namahagi nitong Biyernes (November 18) ang City Agriculture Office ng mga onion seed.


Lungsod ng San Jose, nagningning para sa Kapaskuhan
November 22, 2016 01:47 PM

Nagliwanag at nagningning ang Lungsod ng San Jose matapos buksan ang makukulay na pailaw dito para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, nito lamang Biyernes (Nobyembre 18).


Infant and Young Child Feeding Implementers Training | 14 Nov. 16
November 17, 2016 12:44 PM

Dagdag kaalaman para sa tamang pagkain ng mga bata, itinuro


Division Pop Quiz & On-the-Spot-Skills-Exhibition
November 16, 2016 12:11 PM

Kabataang San Josenians, nagtagisan sa Pop Quiz at On-The-Spot-Contests


Cattle Dispersal: Livestock Rehabilitation Program | 11 Nov. 2016
November 11, 2016 05:15 PM

45 na alagang baka ang ipinamahagi sa mga magsasakang nasalanta ng bagyong Lando na sumalanta sa lungsod noong nakaraang taon.


Mga negosyante sa lungsod, sumailalim sa pagsasanay
November 04, 2016 05:45 PM

Dumayo sa lungsod ang SME Roving Academy ng Department of Trade and Industry (DTI) upang mabigyan ng karagdagang kaalaman partikular ang mga maliliit na negosyante para sa pagpapalago ng kanilang negosyo.


Oplan Kaluluwa, nagpatuloy pa rin kahit tapos na ang Undas
November 03, 2016 05:13 PM

Bagamat tapos na ang paggunita ng Undas, mistulang tuloy pa rin ang Oplan Kaluluwa ng Lokal na Pamahalaan dahil sa maagap na paglilinis ng mga street sweepers sa mga sementeryo sa lungsod.


“K Outreach Program”, patuloy na umaarangkada
November 02, 2016 06:01 PM

Walang sawang naghahatid ng libreng serbisyo ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan para paglingkuran ang mga mamamayan ng lungsod.


“Scary” Bikers, Umikot sa Lungsod!
November 02, 2016 02:05 PM

Isang gabi ng katatakutan ang ibinida ng mga SJC Mountain Bikers sa katatapos na Halloween Costume Fun Ride nitong Lunes (October 31).


Mga Produkto ng San Jose, Pasisikatin!
October 28, 2016 04:59 PM

Upang matulungan na tumaas ang kita at makilala ang mga produkto ng maliliit na negosyante sa lungsod, opisyal nang binuksan kanina (Oktubre 28) ang One Town One Product (OTOP) Pasalubong Center at Negosyo Center na matatagpuan sa Cardenas St., Brgy. F.E. Marcos, sa tapat ng Core Gateway College.


Street Food Vendors sa Lungsod, Nag-level-up sa Kalinisan!
October 27, 2016 05:03 PM

Namigay ng mga apron at sumbrero si Mayor Mario O. Salvador at Market Chief Maria Caridad Barlaan sa mga vendors bilang bahagi ng paglalayong maging mas malinis at mas maayos ang mga tindero’t tindera ng street foods sa lungsod. Sa mga susunod na araw ay oobligahin na rin silang magsuot ng hairnet bilang bahagi rin ng pagbabagong bihis-linis ng mga vendors. Ito ang ilan sa mga naganap sa paglulunsad ng Street Foods Caravan at Oath-taking ng Street Food Vendors Association sa Public Market kahapon, Oktubre 26.


Free Eye Checkup for Senior Citizens | 24 October 2016
October 27, 2016 09:06 AM

Sa pinagsanib na pwersa ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) at ALAY Foundation, Inc., hinandugan ng libreng eye check-up at assessment ang mga senior citizens ng San Jose noong umaga ng Lunes, ika-24 ng Oktubre na ginanap sa PAG-ASA Gym, F. E. Marcos.


NACOCO Week Celebration
October 26, 2016 06:07 PM

BJMP-San Jose, ipinagdiwang ang NACOCO Week


Awarding of Honorarium to PWD Presidents | 24 Oct. 2016
October 25, 2016 05:40 PM

Nakatanggap ng tig-Php10, 000.00 ang mga presidente ng Persons with Disability (PWD) mula sa 38 barangay sa lungsod na handog ng lokal na pamahalaan para makatulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng nasabing sektor.