#NEWSEVENTS #32 JANUARY 20, 2021
News & Events
Hinimok ng San Jose City Chamber of Commerce katuwang ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni City Mayor Kokoy Salvador ang mga presidente ng Philippine Chamber of Commerce Industry ng Region 3 na mamuhunan sa lungsod sa ginanap na pulong sa Hotel Francesko kaninang umaga. (May 16)
Sumalang sa oryentasyon kahapon (May 15) ang 28 na pulis mula sa PNP San Jose bilang paghahanda sa mas maigting na pagpapatupad ng batas trapiko sa lungsod.
59 bata ang nagsipagtapos sa isang linggong vacation kiddie bible school na ginanap sa panlungsod na aklatan kaninang umaga (May 15.)
Umarangkada sa lungsod nitong Lunes ang "Brigada Eskwela 2017" na may temang “Isang Deped, Isang Pamayanan, Isang Bayanihan para sa handa at ligtas na Paaralan” bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa ika-5 ng Hunyo.
Bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan, maigting pa rin na ipinagpapatuloy ang Oplan Daloy at Oplan Kalinisan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod simula pa noong Enero,
Kasagsagan man ng tag–init ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng serbisyo ng pamahalaan ng Lungsod ng San Jose sa mga barangay na nasasakupan nito.
Pormal na binuksan ang San Juan-VillaJoson-Porais Farm to Market Road Project sa pamamagitan ng isang Ribbon Cutting nitong umaga ng Mayo 9, 2017, sa Barangay Porais, San Jose City.
Bilang pagpapatuloy ng programang Integrated Community Food Production (ICFP), kasalukuyang isinasagawa ang pagsasanay para sa 300 na bagong benepisyaryo ng programa na tumanggap na ng mga buto ng gulay (talong, okra, sitaw) na palalaguin at tig-dalawang kambing na kanilang pararamihin.
Kahit katatapos lamang ng pista ng bayan, patuloy pa rin sa pagserbisyo ang K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa mga mamamayan ng Brgy. A. Pascual nitong Abril 27-28.
Umabot na sa halos 100 bata ang mga natuli sa unang araw pa lamang ng Operation Tuli 2017 na handog ng City Health Office (CHO) at ng lokal na pamahalaan.
Dumayo sa San Jose ang mga karatig bayan gaya ng Pangasinan, Pampanga, Bulacan, at Lupao para sa Bonsai & Sueseki Open Exhibition and Competition nitong Abril 21.
Dinagsa ng mga San Josenians ang huling gabi ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival upang mapanood ang Variety Show kung saan nagtanghal sina Liza Soberano at BoybandPH.
Nasubukan ang husay ng 94 motor riders sa isinagawang Motocross competition noong Sabado (Abril 22) sa Tayabo. Hindi alintana ng mga rider ang baku-bakong daan sa racing track, habang hindi naman magkamayaw sa paghiyaw ang mga manonood sa tuwing may gagawing stunts ang mga kalahok.
Mga Palaro At Pampalakasang Events Ng Pagibang Damara, Tinalo Ang Init Ng Summer!
Higit kumulang isang libo mula sa iba’t ibang sektor sa lungsod ang nakiisa sa Fun Run na ginanap nitong Biyernes (Abril 21).
Mga cute na pets, bumida rin sa Pagibang Damara;
Pawang halakhak at ngiti ang namutawi sa mukha ng mga dumalo sa Gabi ng Mamamayan noong Sabado (April 22) bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.
Muli na namang nagpamalas ng galing sa pagkanta ang 14 na kalahok sa Voices – San Jose City Pop Idol nitong Abril 20, bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival.
Malakas na hiyawan ang sumalubong sa mga artistang dumayo sa lungsod para lumaban sa ArtisTODA Basketball Tournament na ginanap sa San Jose City National High School Gym nitong linggo (April 23).
Naging napakataas ng enerhiya ng ikatlong gabi ng Pagibang Damara Festival dahil sa matagumpay na concert ng pop-rock star at The Voice Philippines mentor na si Bamboo.