#NEWSEVENTS #38 JANUARY 19, 2021
News & Events
Dalawang palapag na gusali na may apat na silid-aralan ang pormal na binuksan kahapon (September 15) sa Calaocan Elementary School na gagamitin ng mga Grade 1 at Grade 5 pupils.
Binigyan ng Lokal na Pamahalaan ng libreng serbisyong medikal at dental ang 307 detainees ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Bilang bahagi ng kampanya para sa maayos na pamamahala sa basura sa lungsod, pinulong kanina (September 15, 2016) ang lahat ng mga utility staff ng city hall upang bigyan sila ng kaalaman patungkol dito.
Para sa maigting na kampanya kontra droga ng PNP at kontra dengue ng DOH, pinulong ang mga Kapitan ng bawat barangay sa lungsod upang magtulong-tulong para masolusyunan ang mga ito.
Nanumpa na ang mga miyembro ng San Jose City Harvester Owner & Famers Association Incorporated o SJC HOFA Incorporated nitong Miyerkules (September 7).
Naging mainit ang pagtanggap ng mga taga Brgy. Villa Joson sa ginanap na “K Outreach Program” na pinangunahan ni Mayor Mario “Kokoy” Salvador sa kanilang lugar kaninang umaga (Sept. 13, 2016).
Natanggap na ng unang batch ng benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ang 40% ng kanilang sweldo na kanilang pinagtrabahuan nitong summer vacation.
Masayang tinanggap kahapon ng mga Persons with Disability (PWD) ng Barangay Tulat ang mga groceries at wheelchair na handog sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Kaugnay sa napaulat na dengue hotspot ang lungsod ng San Jose at dalawa na ang naitalang nasawi sa sakit na ito, mas pinaigting ng City Health Office ang clean-up drive kontra dengue.
Bilang bahagi ng programang Oplan Tokhang ng PNP para sa mga sumuko at nagpositibo na illegal drug users at pushers na nangakong tatalikod na sa paggamit ng ilegal na droga, tinipon ang mga surrenderees nitong Martes para ibalita sa kanila ang mga programang handog ng lokal na pamahalaan na makatutulong sa kanilang ganap na pagbabagong buhay.
Muli na namang umarangkada nitong martes (September 6) ang “K” Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan upang maghatid ng serbisyo publiko sa mga taga-Brgy. Caanawan.
Opisyal nang sinimulan ang taunang selebrasyon ng LGU Sports Fest nitong ika-lima ng Setyembre kung saan tampok ang mga empleyado mula sa iba’t ibang departmento ng pamahalaang lokal.
Inumpisahan na ang pagsasaayos at pagpapaganda sa paligid ng Maharlika Highway nitong ika-31 ng Agosto, sang-ayon na rin sa adbokasiya at kampanya ni Mayor Mario “Kokoy” Salvador na Oplan: Bagong San Jose.
Naipamahagi na kahapon (Agosto 31) sa 18 PWD (persons with disability) ang mga libreng braces at prosthetic legs o artipisyal na paa na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Pinulong ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang mga may-ari ng poultry at piggery sa lungsod noong ika-30 ng Agosto sa munisipyo para talakayin ang isyu tungkol sa langaw.