#NEWSEVENTS #39 JANUARY 19, 2021
News & Events
Sang-ayon sa adbokasiya ni Mayor Mario “Kokoy” Salvador na Bagong San Jose, sinimulan ang pagpipintura sa ilang gusali sa Maharlika Highway nitong ika-23 Agosto para maging mas kaaya-aya ang mga ito.
Nagpulong ang ilang Department Heads noong Biyernes, ika-26 ng Agosto para pag-usapan ang isinagawang paglulunsad ng “K” Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa Brgy. Sto. Tomas noong Agosto 23-25.
Muling naghatid ng serbisyo sa lungsod ang ilang kinatawan ng Pag-IBIG Cabanatuan branch para tumanggap ng mga aplikasyon para sa Multi-Purpose Loan (MPL) at Loyalty Card para sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Dumayo sa lungsod ang mga Social Welfare and Development Officers mula sa iba’t ibang bayan at siyudad ng Nueva Ecija kahapon (Agosto 24) para dumalo sa Technical Assistance and Resource Augmentation o “TARA” Meeting.
Bumalik ang "K" Outreach Program kahapon (Agosto 24) at kaninang umaga (Agosto 25) sa Brgy. Sto. Tomas para naman makapaghatid ng serbisyo roon ang iba pang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan.
Umarangkada na ang “K” Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Tanggapan ng Punong Lungsod, katuwang ang Community Affairs Office nitong ika-23 ng Agosto para maghatid ng serbisyo publiko sa mga taga-Brgy. Sto. Tomas.
Nagsagawa ang City Health Office (CHO) ng clean-up drive at pag-spray ng lamok laban sa dengue nitong ika-18 ng Agosto sa Pinagcuartelan, matapos makapagtala ng anim na kaso ng dengue sa nasabing lugar.
Nagsagawa ang City Health Office (CHO) ng clean-up drive at pag-spray ng lamok laban sa dengue nitong Agosto 18 sa Pinagcuartelan, matapos makapagtala ng anim na kaso ng dengue sa nasabing lugar.
Nagsagawa ng orientation kahapon (Agosto 22) sa Barangay Abar 2nd at Caanawan tungkol sa kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NCI at NCII na kasalukuyang inaalok sa San Jose City Skills Training Center.
Planong dagdagan ng school buildings para sa mga senior high school ang mga paaralan sa lungsod na kulang pa ng mga silid-aralan,ito ang napag-usapan sa ginanap na Local School Board meeting nitong ika-19 ng Agosto sa OCM Conference Hall, City Hall Building.
Nagpulong ang ilang Department Heads kahapon para sa paghahanda sa “K” Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan.
Sumalang sa Organizational Management Training ang grupo ng Samahan ng Malayang Kababaihang Nagkakaisa para sa Mamamayan at Reporma o “SaMa Ka Na MaRe” ng lungsod noong Agosto 3-4.
Pinulong ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) kasama ang ating butihing Mayor Mario “Kokoy” Salvador ang mga junk shop at machine shop owners kahapon sa munisipyo para pagtibayin ang ugnayan ng Pamahalaang Lokal at ng nasabing sektor sa kampanya sa proper waste management.
Aktibong nakiisa ang bawat barangay ng San Jose sa pagdiriwang ng City Day sa pamamagitan ng sabayang pagsu-Zumba at iba pang firtness activity noong ika-9 ng Agosto.
Nag-organisa kamakailan si Mayor Mario "Kokoy" Salvador ng bagong Traffic Management Council na siyang mangunguna para tugunan ang mga isyu sa trapiko.
NIGHT MARKET
August 18, 2016 01:54 PM
Inilipat na ang mga Night Market vendors sa Covered Parking Area ng ikalawang palapag ng Public Market Building (Premiumed Med III) noong Martes, ika-16 ng Agosto.
Masayang ibinalita ng ating Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador sa mga LGU scholars kahapon (Agosto 17) ang planong pagtataas ng financial assistance na kanilang matatanggap.