#NEWSEVENTS #41 JANUARY 23, 2021
News & Events
Dinalaw ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador ang apat na sanggol na isinilang sa mismong araw ng ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose.
Bagamat puro kababaihan ang kasali, game na game din na nag-Zumba si Mayor Mario “Kokoy” Salvador sa “Zumba in the City” na ginanap sa 2nd floor ng Public Market Building (covered parking area) noong ika-9 ng Agosto.
Nagsagawa ang City Population Office ng Orientation para sa mga Facilitators ng ‘U4U’ nitong ika-9 ng Agosto sa San Jose City National High School Alumni Hall.
Nagsagawa ng Capability Building Seminar for Retailers ang Small-Medium Enterprise Roving Academy (SMERA) ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinamagatang “Gabay-Negosyo sa Pag-asenso” nitong ika-8 ng Agosto sa Conference Room ng City Hall.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose, nagsagawa ang City Health Office (CHO) ng libreng serbisyong pangkalusugan ngayong araw (Agosto 9) gaya ng Random Blood Sugar (RBS) Examination at Flu Vaccination para sa mga Senior Citizen.
Iba’t ibang klase ng naglalakihan at naghahabaang gulay at prutas ang dinala ng mga magsasaka sa Demo Farm, Malasin kaninang umaga (ika-9 ng Agosto) para sa Search for “Pinaka” na Gulay at Prutas ng City Agriculture Office.
Dumayo sa San Jose ang ilang kinatawan ng Pag-IBIG Fund Cabanatuan Branch ngayong araw, ika-9 ng Agosto para maghatid ng kanilang serbisyo.
Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagtipon-tipon na ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan para sa Tree Planting Activity na inorganisa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Nagtapos ang 78 mag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System ng Department of Education (DepEd) nitong ika-4 ng Agosto.
Muling nagsagawa ng Budget Hearing para sa iba pang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan nitong ika-2 at ika-4 ng Agosto.
Personal na tinignan ni Mayor Mario “Kokoy” Salvador kaninang umaga (ika-5 ng Agosto) ang ginawang paghahanda sa Pag-asa Gym para matiyak na maayos ang lugar para sa 47th City Day Program na idaraos dito sa ika-10 ng Agosto.
Nakipagdyalogo kamakailan si Mayor Mario “Kokoy” Salvador sa mga benepisyaryo ng Socialized Housing Program ng Lokal na Pamahalaan upang bigyang linaw ang ilang isyu tungkol sa naturang pabahay.
Nagpulong sa huling pagkakataon ang City Day Celebration Committee kahapon (Agosto 3) para tiyaking nakahanda na ang lahat ng tanggapan na may gagampanang mahalagang tungkulin sa naturang okasyon.
Muling ilulunsad ang Community Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan na tatawaging “Kalinga sa Mamamayan” para makapaghatid ng lingguhang serbisyo sa mga barangay.
Bumisita si Mayor Mario "Kokoy" Salvador sa ilang barangay nitong Sabado, Hulyo 30 para personal na makita ang mga isinagawang Oplan Daloy doon.