#NEWSEVENTS #45 APRIL 20, 2021
News & Events
Aktibong nakiisa ang bawat barangay ng San Jose sa pagdiriwang ng Cirty Day sa pamamagitan ng sabayang pagsu-Zumba noong ika-9 ng Agosto.
Idinaos ang pinakahuling Budget Hearing o pagdinig para sa magiging budget sa 2017 ng iba pang tanggapan ng Pamahalaang Lokal nitong ika-11 ng Agosto sa Office of the City Mayor (OCM) Conference Room.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose noong ika-10 ng Agosto ang 10th Gatas ng Kalabaw, kaya naman isang Mini-Trade Fair ang binuksan sa Pag-asa Gym para i-promote ang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw.
Muling sinubok ang talas ng kaisipan ng mga estudyante mula sa pribado at pampumblikong paaralan sa lungsod na lumahok sa 18th Inter-School Quiz Bee na ginanap noong ika-10 ng Agosto sa San Jose City National High School.
Dinagsa ang ginanap na Job Fair ng Public Employment Service Office (PESO) noong ika-10 ng Agosto kasabay ng pagdiriwang ng City Day.
Natatanging Lupong Tagapamayapa (Pagkilala mula sa DILG): Brgy. Sibut
Isa sa naging atraksiyon at inabangan sa pagdiriwang ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose ang mga "Cowboys" at "Cowgirls" na dumalo sa programa nitong ika-10 ng Agosto.
Nagparadang ala-"Cowboys" at "Cowgirls" ang mga San Josenian sa katatapos na selebrasyon ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose noong Agosto 10.
Binigyan ng pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ang pinakamatandang buhay na San Josenian na si Bb. Susana Felix Cailing, 101 taong gulang kasabay ng pagdiriwang ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose kahapon, ika-10 ng Agosto.
Dinalaw ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador ang apat na sanggol na isinilang sa mismong araw ng ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose.
Bagamat puro kababaihan ang kasali, game na game din na nag-Zumba si Mayor Mario “Kokoy” Salvador sa “Zumba in the City” na ginanap sa 2nd floor ng Public Market Building (covered parking area) noong ika-9 ng Agosto.
Nagsagawa ang City Population Office ng Orientation para sa mga Facilitators ng ‘U4U’ nitong ika-9 ng Agosto sa San Jose City National High School Alumni Hall.
Nagsagawa ng Capability Building Seminar for Retailers ang Small-Medium Enterprise Roving Academy (SMERA) ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinamagatang “Gabay-Negosyo sa Pag-asenso” nitong ika-8 ng Agosto sa Conference Room ng City Hall.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose, nagsagawa ang City Health Office (CHO) ng libreng serbisyong pangkalusugan ngayong araw (Agosto 9) gaya ng Random Blood Sugar (RBS) Examination at Flu Vaccination para sa mga Senior Citizen.