#NEWSEVENTS #5 APRIL 20, 2021
News & Events
Inilahad ni City Health Officer Dr. Marissa Bunao ang COVID-19 Vaccination Plan and Program para sa lungsod nitong umaga, Pebrero 9, sa Hotel Francesko sa isang presentasyon na dinaluhan ng mga miyembro ng Local Inter-Agency Task Force (IATF).
OPLAN Daloy: Aksyon agad sa Brgy R. Eugenio at Brgy. Abar 1st.
Maituturing din na "frontliners" ang mga tauhan ng OPLAN Daloy. Sa gitna ng pandemya, maagap na nagre-responde ang grupo sa mga ulat tungkol sa baradong kanal. Regular din ang kanilang ginagawang paglilinis sa iba't ibang waterways sa lungsod.
City Engineering in action:
Regraveling ng daan sa Zone 7, Brgy. San Juan
Pormal na idinaos ang inagurasyon ng bagong K-Building sa Sampugu Elementary School, Brgy. Kita-kita, kahapon (Feb 3).
Nagpulong nitong Miyerkules (Feb 3) ang San Jose City Contact Tracing Team kasama si Mayor Kokoy Salvador at mga kinatawan ng City Health Office Ospital ng Lungsod ng San Jose, City Population Office, at General Services Office tungkol sa pagbabakuna kontra COVID-19.
City Engineering in action:
Pagsasaayos ng daan sa bukid.
Palestina - Culaylay Road.
OPLAN Daloy in action:
Pagsasaayos ng daluyan ng tubig sa Brgy. Culaylay.
Ginanap nitong Lunes ng umaga, Pebrero 1 ang Bureau of Fire Protection’s (BFP) New Year’s Call to the City Mayor sa OCM Conference Room sa City Hall.
Pinulong nitong Martes, January 26, ang mga kinatawan ng Rural Improvement Club (RIC) at 4-H Club sa lungsod na pawang mga benepisyaryo ng programang pangkabuhayan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna nina Governor Oyie Umali at Vice Governor Anthony Umali, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose.
OPLAN Daloy in action at F.E. Marcos.
Pinulong ang mahigit 50 pangulo ng asosasyon ng Potable Water System (POWAS) sa iba’t ibang barangay nitong Lunes, ika-25 ng Enero sa Learning & Development Room ng City Hall para talakayin ang planong pagbuo ng kanilang kooperatiba.
Isinagawa ng San Jose City Police Station ang New Year’s Call to the City Mayor, nitong Lunes, ika-25 ng Enero, sa 3rd Floor, Learning and Development Room, City Hall Compound.
Pagsasaayos ng daan sa Sitio Caringayan, Brgy. Malasin at Brgy. Camanacsacan.
Tuloy-tuloy ang regular na paglilinis ng Oplan Linis sa iba't ibang lugar sa lungsod.
Tinanggap ng Lokal na Pamahalan ang tsekeng nagkakahalaga ng P200K mula sa kinatawan ng Department of Labor & Employment (DOLE) na ibibigay bilang ayuda sa Samahan ng Kababaihang Nagkakaisa Tungo sa Pag-unlad (SKNTP).
OPLAN Kalinisan in action at Maharlika Highway.
City Engineering in action:
Pagsasaayos ng liblib na daan sa Sitio Palasapas, Brgy. Manicla
Pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang pagbibigay ng mga wheelchairs at crutches sa 12 benepisyaryo sa programang isinagawa ng Persons with Disability Office (PDO) sa kanilang tanggapan, nitong Lunes, Enero 18.
City Engineering in action:
Pagsasaayos ng isang liblib na daan sa Brgy. Bagong Sikat.