#NEWSEVENTS #7 OCTOBER 26, 2020



News & Events




Brgy. Villa Marina, dinayo ng K-Outreach

Wala pa rin talagang tigil ang pagratsada ng K-Outreach Program kaya nitong Huwebes (Oktubre 10) dumayo naman nito sa Brgy. Villa Marina na kung saan nagpamudmod ang caravan ng samu’t saring serbisyo sa mga residente.


San Jose City LGU, humakot ng parangal mula sa POPCOM

Kinilala ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose sa iba’t ibang larangan sa 2019 Kaunlarang Pantao Award ng Commission on Population (POPCOM) Region III kahapon (Oktubre 10) sa The Orchid Gardens sa City of San Fernando, Pampanga.


Libreng flu vaccine para sa senior citizens

Nagsagawa ng libreng flu vaccination para sa senior citizens ng lungsod kahapon (October 9) bilang pagdiriwang ng Linggo ng Nakatatanda (Elderly Filipino Week) na may tema ngayong taon na: “Healthy and Productive Aging Starts With Me.” 


Mga mag-aaral, nagtagisan sa Pop Quiz

Nagtagisan ng kanilang mga husay at galing ang mga mag-aaral sa lungsod sa ginanap na Population Quiz (Pop Quiz) at On-the-Spot Skills Exhibition nitong Setyembre 27 sa Conference Hall ng munisipyo.


K-Outreach dumayo sa Brgy. Kaliwanagan

Mas nagliwanag pa ang Brgy. Kaliwanagan matapos itong dayuhin ng K-Outreach Program nitong Setyembre 26 upang maghandog ng sari-saring libreng serbisyo sa mga residente roon.


LGU Sportsfest 2019, nagsimula na

Bagamat makulimlim ang panahon, naging makulay at matagumpay ang pagbubukas ng LGU Sportsfest 2019 noong Biyernes (Septyembre20) sa Pag-asa Sports Complex.


Libreng Serbisyo handog ng K Outreach sa Brgy. Kita-Kita

Handog ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose ang libreng serbisyo sa pamamagitan ng K-Outreach Program sa mga taga-Brgy. Kita-Kita nitong Setyembre 19.


Bagong TODA Terminal sa A.O. Pascual Street

Sinimulan nang ilipat ang terminal ng mga TODA na dating nasa kahabaan ng Rizal Street sa A.O. Pascual Street nitong Miyerkules (Setyembre 18).


DILG, nag-inspeksyon ng Clearing Operations

Nagsimula na ang Department of Interior & Local Government na mag-ikot ngayong araw sa mga lugar kung saan isinasagawa ang clearing operations sa mga sidewalk at kalsada.


Mga Mamamayan, Nakiisa sa Clearing Operations

Nagkusa na ang ilang mamamayan sa lungsod sa clearing operations na iniatas ng Lokal na Pamahalaan bilang pagtalima sa order ng DILG at ng Pangulo ng bansa.


K-Outreach, Muling Nagbigay ng Libreng Serbisyo

Suwerte ang Friday the 13th ng mga residente ng Barangay Santo Tomas ngayong araw dahil sa dalang iba’t ibang libreng serbisyo roon ng K Outreach caravan kaninang umaga.


Pagpapatuloy ng Clearing Operations

Tuloy pa rin ang isinasagawang clearing operations sa mga kalsada at sidewalk bilang pagtalima sa order ng DILG at Pangulo sa mga lokal na pamahalaan. 


Mga estudyante ng SPED, binigyan ng ayuda

Tumanggap ng tulong pinansiyal (financial assistance) ang 114 na mag-aaral ng Special Education (SPED) ng DepEd San Jose kahapon, Septyembre 9 bilang ayuda ng lokal na pamahalaan.

Isinagawa sa San Jose West Central School ang pamamahagi ng apat na libong piso (4,000) kada estudyenteng nasa kindergarten hanggang grade six at mga non-grader students para sa school year na ito. 


Peace Corner, Pinasinayaan ng City Library

Pinangunahan ni Konsehala Trixie Salvador at ni City Librarian Helen H. Ercilla kasama ng mga kawani ng City Library ang ribbon cutting ng HWPL o Peace Corner ng City Library. 


K Outreach sa Brgy. Tondod

Muling umarangkada ang K Outreach Program at dumayo naman sa Brgy. Tondod kahapon (September 05).

Masayang sinalubong ng mga residente ang K Outreach caravan na may hatid na iba’t ibang libreng serbisyo kagaya ng medical at dental check-up, libreng gamot, bakuna para sa mga bata, bitamina at pampurga para sa mga alagang hayop.


Libreng wheelchairs at saklay, ipinamahagi

Patuloy sa pagbibigay kalinga ang Lokal na Pamahalaan para sa mga Person with Disability o PWD at senior citizens matapos silang mapagkalooban ng libreng wheelchairs at saklay noong Martes (Sept. 3) sa City Hall compound.


Turn-over ng Sto. Niño 1st Brgy Hall
September 03, 2019 05:08 PM

Kasabay ng K-Outreach Program nitong nagdaang Biyernes, ika-30 ng Agosto, pormal na ipinasa ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng Punong Lungsod Kokoy Salvador ang bagong Bulwagang Barangay sa pamunuang ng Sto. Niño Primero.


K-Outreach sa Brgy. Sto. Niño 1st
August 30, 2019 04:16 PM

Maaliwalas na araw ang sumalubong sa mga taga-Brgy. Sto. Niño 1st ngayon (Agosto 30) na lalong pinasigla nang dumayo roon ang K-Outreach Program upang maghandog ng mga libreng serbisyo.


Cleaning Operations Kontra Dengue sa Abar Primero
August 29, 2019 03:13 PM

Isinagawa ngayong araw, Agosto 29, ang paglilinis sa iba't ibang bahagi ng Brgy Abar Primero bilang kampanya laban sa dengue.


Road Clearing Operations ng DPWH
August 28, 2019 03:45 PM

Kasalukuyang isinasagawa sa lungsod ang "road clearing" ng DPWH o pagtatanggal at pagbabaklas ng anumang sagabal sa Maharlika Highway.