₱100K para sa 100 taong gulang na San Josenio
Published: November 13, 2024 11:41 AM
Iginawad kahapon (Nobyembre 12) ang Centenarian Cash Gift na ₱100,000.00 kay Lola Anatalia Dizon ng Barangay Calaocan, gayundin ang Sertipiko ng Pagkilala at liham pagbati mula kay Pangulong Bongbong Marcos.
Nagmula sa nasyonal na pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naturang insentibo para sa mga Pilipinong 100 taong gulang pataas, sang-ayon sa Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016.
Inihatid ito mismo sa kanilang tahanan ni DSWD Regional Office Social Worker Liona Killy, kasama sina Mayor Kokoy Salvador, City Social Welfare and Development (CSWD) Officer Imelda Divina, at Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) Chairperson Wilfredo Nuñez.
Nauna nang kinilala ng lokal na pamahalaan at pinagkalooban ng ₱25,000.00 cash gift si Lola Anatalia noong Agosto 2023 bilang isa sa mga pinakamatandang nabubuhay na San Josenio, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Lungsod San Jose o City Day.