Pagibang Damara Festival 2025 »
Street Concert - Pagibang Damara Festival 2025
Published: April 14, 2025 02:00 AM | Updated: May 16, 2025 12:36 PM
Nagtapos ang Pagibang Damara Festival 2025 sa isang solid performance ng mga celebrity artist/musician na sina Rob Deniel, bandang Mayonnaise, TJ Monterde at KZ Tandingan sa Street Concert nitong Sabado ng gabi.
Hindi magkamayaw sa tilian ang mga manonood na dumagsa sa Public Market, lalo na nang ipakilala ang batang mang-aawit na si Rob Deniel na patok na patok ang kantang "Miss Miss" sa mga kabataan.
Game na game namang naki-jamming ang mga dumalo sa kantang "Jopay" ng Mayonnaise at pinaunlakan pa ang isa na umakyat sa entablado at naggitara kasama ang lead vocalist ng banda na si Monty.
Mas pinakilig pa ang concert-goers nang awitin sa finale ng real-life couple na sina KZ at TJ ang sikat nilang kantang "Palagi" na pinaka-inabangan ng lahat.
Samantala, kapwa nagpahayag ng pasasalamat sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador sa lahat ng nakibahagi sa matagumpay na pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival sa lungsod.
#PagibangDamaraFestival