Gulaya sa Bakuran - Sto. Tomas
Published: May 09, 2023 11:35 AM
May Gulayan sa Bakuran na rin sa Brgy. Sto. Tomas matapos ilunsad doon ang naturang proyekto kaninang umaga, Mayo 9 katuwang ang asosasyon ng Potable Water System (POWAS).
Tatlong panibagong Gulayan sa Bakuran din ang pinasinayaan kamakailan, kabilang ang gulayan sa Zone 3, Brgy. Palestina at Palestina Elementary School nitong Biyernes at sa Villa Floresta Elementary School naman kahapon, Mayo 8.
Bukod kina Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal, at mga miyembro ng asosasyon ng POWAS, kasamang nagtanim ang mga estudyante ng nabanggit na paaralan.
Ayon kay Vice Mayor Ali, nais nilang ipakita sa mga bata na mayroong magandang resulta ang pagtatanim ng gulay at kapaki-pakinabang ito sa mga komunidad.
Dagdag pa niya, simula pa lang ito sa pangarap niyang magkaroon ng gulayan sa bawat bakuran kaya bilin niya na sana’y maalagaan ang mga itinanim upang lumago ang mga ito.