K Outreach sa Villa Floresta, Kakaiba!
Published: June 03, 2017 11:50 AM
Naging kakaiba ang saya na Inihatid ng K Outreach Program sa Villa Floresta noong Huwebes at Biyernes, Hunyo 1 at 2, dahil bukod sa mga regular na serbisyong ibinaba ng lokal na pamahalaan sa K Outreach, naging tampok ang sayaw ng mga katutubong taga-rito na sinabayan ng mga opisyal ng pamahalaan at ng bagong punong guro ng kanilang paaralan.
Ginamit sa sayaw ang mga tradisyonal na instrumentong pang-musika na iginawad ng Lokal na Pamahalaan noong Lunes, Mayo 29, sa mga katutubo ng Villa Floresta. Matatandaang kamakailan ay hiniling ng mga tagarito na sila ay mabigyan ng mga instrumentong ito upang maituro at maisalin nila sa nakababatang henerasyon ng tribu ang kanilang mga tradisyon at kultura.
Ang Villa Floresta ay isa sa mga pinaka-malayong barangay sa lungsod kung saan may mga naninirahang iba't-ibang uri ng katutubo. Katulad ng nakaugalian, nakisalo ang Punong Lungsod Kokoy Salvador sa mga taga-barangay sa isang boodle fight at personal din niyang pinakinggan ang mga hinaing at kahilingan ng mga taga-rito.
-Melody Bartolome