News »


Mass Signing Ceremony of Conditional Deed of Sale of Beneficiaries - Ariin Sariling Bakuran, Sto. Niño 3rd

Published: July 21, 2021 05:00 AM   |   Updated: July 22, 2021 03:28 PM



Tatlumpu’t apat (34) na benepisyaryo ang lumagda sa Memorandum of Agreement kasama ang Housing and Homesite Regulation Office (HHRO) ng Lokal na Pamahalaan nitong Miyerkules, ika-21 ng Hulyo para sa “Conditional Deed of Sale” ng loteng kinatitirikan ng kanilang mga bahay sa Ariin Sariling Bakuran Village, Barangay Sto. Niño 3rd. 

Ayon kay HHRO – OIC Engr. Rodegelio A. Laureta, huhulugan lamang ng mga benepisyaryo ang lote sa maliit na halagang hindi tataas ng tatlong daang piso kada buwan sa loob ng sampung taon.

Dumalo at nagpakita ng suporta si Mayor Kokoy Salvador kasama si Vice Mayor Glenda Macadangdang at ilang konsehal sa contract signing. Sa mensaheng iniwan ni Mayor Kokoy sa mga benepisyaryo, sinabi niyang masuwerte ang mga ito sapagkat bukod sa mababang halaga ng lote ay sasagutin pa ng Lokal na Pamahalaan ang pagpapatitulo nito pagkatapos mabayaran. 

Dagdag pa niya, bilang kapalit, inaasahan na pangangalagaan ng mga ito ang loteng ipinagkaloob sa kanila.

Kalakip ang dokumentong kanilang nilagdaan, nagsilbing hakbang ang naturang programa sa mga benepisyaryo bilang pagbibigay ng katibayan sa pagkakaroon ng karapatan sa lupa.