Pagibang Damara Festival, opisyal nang nagbukas
Published: April 25, 2018 05:12 PM
Nagsimula na ngayong araw (April 25) ang pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival 2018 sa Lungsod San Jose, kung saan isang Thanksgiving Mass sa St. Joseph Cathedral ang idinaos kaninang alas-sais ng umaga.
Kasama ni Mayor Kokoy Salvador sa misa ang kanyang pamilya at dumalo rin dito ang mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan, BFP-San Jose at PNP San Jose.
Inialay ang misa bilang pasasalamat ng mga San Josenio sa pagpapalang nakamit ng lungsod at magandang ani ng mga magsasaka.
Kaugnay nito, nagsimula na ring umikot sa City Proper ang AFP 7th Infantry Division Marching Band. Sa mga susunod na araw, iba’t ibang marching band naman ang maghahatid aliw at saya sa mga San Josenio para sa kapistahan.
Pakaabangan naman mamayang gabi ang tunggalian sa pag-awit ng mga kabataan sa Voices Kids 2018 na idaraos sa Pag-asa Sports Complex.
Gaganapin din ang Gabi ng Pasasalamat sa City Social Circle, sa pangunguna ng San Jose City Pastoral Movement.
Samantala magbubukas na rin sa araw ng Huwebes ang Agro-Industrial Trade Fair sa City Social Circle kung saan tampok ang mga produktong ipinagmamalaki ng mga San Josenio at maging mga kalapit-lugar.
Pinakaabangan naman ang Boodle Fight na gaganapin bukas, alas-singko ng umaga, na itatampok sa programa ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda.