Event March 05, 2026

Nutrition Month Activities

Nutrition Month Activities
Tampok ang iba’t ibang aktibidad para sa selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon sa huling araw ng Hulyo, sa pangunguna ng City Nutrition Office.

Sa temang “Food and Nutrition Security Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin,” binigyang-diin ang kahalagahan ng sapat at wastong nutrisyon, at pangangalaga mula pagbubuntis hanggang sa paglaki ng bata.

Isinigawa ang programa kahapon ng umaga sa Learning and Development Room sa munisipyo kung saan nagpabilisan sa Baby Crawl Contest ang 16 na sanggol na nasa walo hanggang siyam na buwan mula sa iba’t ibang barangay.

Nanguna sa Baby Girl Category si Samantha Reighn Amado ng Brgy. Pinili at si CJ Xian Fernandez ng Brgy. Abar 1st sa Baby Boy Category.

Pinangaralan din sa programa ang mga nanalo sa mga sumusunod na patimpalak:
- Wrap a Baby: Eloisa Claire Asuncion ng Brgy. Porais
- My Baby Monthsary: Euwenn Jaredd Legaspi ng Brgy. Pinili
- Dress Me Fruit and Veggies: Arvine Nathalie Gamboa ng Brgy. Sto. Nino 1st
- Baby Bump: Arrianne Mikaela Avancena ng Brgy. Sinipit Bubon
- Breastfeeding: Marjorie P. Asuncion ng Brgy. Porais
-
Dagdag pa rito, kinilala bilang Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) si Marieanne Pacariem ng Brgy. Porais at Most Outstanding Barangay Nutrition Committee (BNC) si Punong Barangay Justino Ariem ng Porais.
🚨 MDRRMO Rescue Hotline: 0915-168-9878