News March 05, 2026

Puno ng Pag-asa Tree Planting

Puno ng Pag-asa Tree Planting
Tampok sa araw na ito, Agosto 5 ang “Puno ng Pag-asa” – isang tree planting activity para sa selebrasyon ng ika-56 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose.

Maagang nagtipon-tipon ang mga opisyal ng lungsod at barangay, mga hepe at kawani ng iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng PNP, BJMP, DepEd, at Kabalikat Civicom para magtanim ng 1,000 punla ng narra at molave sa natukoy na National Greening Program (NGP) site sa Brgy. Villa Floresta.

Pinangunahan ng Tanggapan ng Kapaligiran at Likas na Yaman (City Environment and Natural Resources Office), katuwang ang Tanggapan ng Turismo (City Tourism Office) ang naturang aktibidad na naglalayong makatulong sa rehabilitasyon ng mga kagubatan at makatugon sa pagbabago ng klima o climate change.

#56thSanJoseCityDay
🚨 MDRRMO Rescue Hotline: 0915-168-9878