Pamamahagi ng Libreng Binhi ng Palay
Published: October 26, 2022 05:00 PM
Sinimulan ng City Agriculture Office (CAO) ngayong araw (Oktubre 26).
ang pamimigay ng libreng binhi ng palay para sa mga magsasaka sa lungsod na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Mayroong 10 klase o variety ng binhi mula sa Long Ping, Pioneer, SeedWorks, SL Agritech, at Syngenta na ipinamimigay ang nasabing opisina.
Bukas ang pamimigay ng binhi mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon, kung saan inaasahang nasa mahigit 200 magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ang makatatanggap para sa araw na ito.
Ayon sa CAO, aabot hanggang Biyernes, Oktubre 28 ang pamamahagi ng binhi ng palay sa kanilang opisina sa Demo Farm, Malasin.
Makipag-ugnayan lamang ang mga rehistradong magsasaka sa nakatalagang Agricultural Technician sa kanilang barangay para sa karagdagang impormasyon ukol dito.