News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija





Rizal Day 2024

Published: December 30, 2024 05:44 PM
Paggunita sa ika-128 Taon ng Kabayanihan ni Gat Jose Rizal



Pamamahagi ng Prosthetics o Assistive Device

Published: December 20, 2024 03:34 PM
Masayang tinanggap ng 20 persons with disabilities (PWD) mula sa Lungsod San Jose at iba pang bayan ng lalawigan ang mga pinamahaging prosthetics o assistive device para sa kanila nitong umaga, Disyembre 20 sa PWD Affairs Office (PDAO).



2024 Chorale Competition Grand Finals

Published: December 13, 2024 11:50 AM
Tunay na damang-dama na ang Kapaskuhan sa lungsod sa ipinamalas na mala-anghel na tinig ng mga kalahok sa Chorale Competition Grand Finals (Elementary and Secondary Level) nitong ika-11 ng Disyembre sa Pag-asa Sports Complex.



Lantern and Chant Competition

Published: December 11, 2024 03:09 PM
Mas nagningning ang gabi nitong Lunes (Disyembre 9) sa ginanap na Lantern Competition sa lungsod, kung saan tampok ang siyam na naglalakihan at malikhaing parol na ipinarada patungong Public Market.



PESO Career Guidance and Employment Coaching

Published: December 05, 2024 04:46 PM
Sa layuning ihanda at magabayan ang mga kabataan sa kanilang hinaharap, nagdaos ang Public Employment Service Office (PESO) ng Career Guidance and Employment Coaching nitong Huwebes (Disyembre 5) para sa 225 Grade 12 Senior High School students sa Caanawan National High School.


Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan

Published: December 03, 2024 09:08 AM
Upang palakasin ang kamalayan laban sa droga, nagsagawa ng symposium na "Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan" ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Community Affairs Office nitong Nobyembre 29 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.


Bonifacio Day 2024

Published: November 30, 2024 09:47 AM
Kaisa ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose sa pagdiriwang ng ika-161 taon ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio ngayong araw, Nobyembre 30.



Mini-Session ng mga Little City Officials

Published: November 29, 2024 01:48 PM
Tila mga ganap na mambabatas ang mga kabataang lider na miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) sa ginanap na mini-session nila sa SP Hall kahapon, Nobyembre 28 bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan sa lungsod.



Mahigit 20 PWD, mabibigyan ng libreng Artificial Legs

Published: November 28, 2024 01:56 PM
Napuno ng kagalakan ang mga person with disabilities (PWD) na naging kabahagi sa idinaos na Assessment and Measurement of Artificial Legs nitong Martes (Nobyembre 26) sa PWD Affairs Office (PDAO) sa lungsod.





Book Character Parade

Published: November 26, 2024 01:44 PM
Nagmistulang mga buhay na karakter ng iba’t ibang kuwento ang 27 mag-aaral mula sa mga Child Development Center (CDC) sa lungsod sa ginanap na Book Character Parade na may temang: ‘Magbasa. Mangarap. Magdiwang.’



Potable Water System (POWAS) - Zone 7, Sto. Tomas

Published: November 22, 2024 11:55 AM
Isa na namang malinis na tubig ang dumaloy para sa mga taga-Brgy. Sto. Tomas matapos pasinayaan kahapon, Nobyembre 21 ang Potable Water System (POWAS) sa Zone 7 doon.




Mga pasyente para sa Dermatologic Surgery Mission, sinuri

Published: November 20, 2024 12:24 PM
Isinagawa ang ikalawang screening para sa Dermatologic Surgery Mission kahapon (Nobyembre 19) sa City Health Office (CHO) para mabigyan ang mga San Josenio ng libreng operasyon ng cyst o bukol sa balat at pagtanggal ng seborrheic keratosis.








2024 SGLG Award

Published: November 14, 2024 04:37 PM
⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️ ⭐️


₱100K para sa 100 taong gulang na San Josenio

Published: November 13, 2024 11:41 AM
Iginawad kahapon (Nobyembre 12) ang Centenarian Cash Gift na ₱100,000.00 kay Lola Anatalia Dizon ng Barangay Calaocan, gayundin ang Sertipiko ng Pagkilala at liham pagbati mula kay Pangulong Bongbong Marcos.




CADAC Quiz Bee

Published: November 08, 2024 04:47 PM
Nagtagisan ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod sa ginanap na City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) Quiz Bee 2024 kahapon, Nobyembre 7 sa Learning and Development Room ng City Hall.


1,333 Senior Citizen, Tumanggap ng Ayuda

Published: November 08, 2024 02:00 PM
Natanggap na ng 1,333 senior citizen edad 75 pataas sa lungsod ang kanilang ayuda mula sa Social Pension Program ng lokal na pamahalaan nitong Miyerkoles, Nobyembre 6.


Digital Literacy Training

Published: November 08, 2024 11:19 AM
Nagsagawa ng Digital Literacy Basic Productivity Tool Training ang Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Nobyembre 5-6 sa City Library para ituro at mas mapahusay ang kaalaman ng mga kalahok sa Microsoft Applications gaya ng MS Word, Excel, at PowerPoint.



Mga tsikiting, nagpakitang gilas sa Children's Congress

Published: November 07, 2024 03:11 PM
Nagpagalingan sa pagtula, pagkulay (copy and color) at pag-zumba ang mga mag-aaral mula sa 60 Child Development Centers (CDC) sa lungsod nitong Oktubre 30-31 sa ginanap na Children's Congress na may temang "Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines".


Bagong Balay Silangan Reformation Center sa Lungsod, Pinasinayaan

Published: November 05, 2024 04:54 PM
Isinagawa nitong Martes, Nobyembre 5 ang pormal na dedikasyon at pagbubukas ng Balay Silangan Reformation Center sa Brgy. Crisanto Sanchez sa tulong ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) ng Lokal na Pamahalaan bilang suporta sa pagbabagong buhay ng mga drug reformist sa lungsod.


Halloween Fun Ride 2024

Published: October 31, 2024 12:50 PM
Naging gabi ng katatakutan ngunit kinaaliwan din ang naganap na Hallowen Fun Ride nitong Miyerkoles (Oktubre 30) na inorganisa ng Sports Development Office, kung saan naka-costume ang mga kalahok na nagbisikleta sa ilang pangunahing lansangan sa lungsod.



Pagsasanay para sa mga Lupon Tagapamayapa ng mga Barangay

Published: October 21, 2024 03:47 PM
Binigyan ng pagsasanay ang mga miyembro ng Lupon Tagapamayapa ng mga barangay sa lungsod nitong Biyernes (Oktubre 18) sa Maharlika Resort, Brgy. Caanawan upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa pagtugon sa iba’t ibang isyu o reklamo na idinudulog sa kanilang nasasakupan.


2 K Buildings, Pinasinayaan

Published: October 18, 2024 03:42 PM
Dalawang K School Buildings ang pinasinayaan nitong Martes (Oct 17) na magsisilbing karagdagang silid-aralan para sa Pinili Senior High School at Palestina Elementary School, bilang patuloy na suporta sa larangan ng edukasyon sa lungsod.



Road Concreting Project

Published: October 01, 2024 04:48 PM
Pinasinayaan nitong umaga, Oktubre 1 ang bagong gawang kalsada sa Zone 2, Brgy. Sinipit Bubon na napondohan mula sa 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na nakamit ng lokal na pamahalaan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).


3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)

Published: September 26, 2024 02:12 PM
Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa 3rd Quarter NSED nitong umaga, Setyembre 26 sa pangunguna ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), katuwang ang City Health Office, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Army.


International Coastal Clean-up Day

Published: September 24, 2024 02:23 PM
Nakiisa ang Lungsod San Jose sa International Coastal Clean-up Day nitong ika-21 ng Setyembre kung saan mahigit 80 volunteer ang sama-samang naglinis sa Sitio Tanibong, Brgy Abar 1st.