Kampaya Kontra Rabies
Published: March 06, 2025 06:00 PM
Mas pinaigting pa ang kampanya kontra rabies ng lokal na pamahalaan, kasabay ng pagdiriwang ng taunang Rabies Awareness Month sa bansa tuwing Marso na may tema ngayong taon na "Rabies-free na pusa't aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino."
Kaugnay nito, sanib-puwersa ang City Health Office at City Veterinary Office sa month-long vaccination laban sa rabies para sa mga alagang pusa at aso, gayundin sa mga taong nakagat o nakalmot ng mga ito.
Sinimulan ang pagbabakuna nitong Marso 3 sa Waltermart San Jose at magtatagal hanggang Marso 28, kung saan isasagawa ito tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Bukod dito, nag-iikot pa rin sa mga barangay ang Veterinary Office para magbakuna ng mga alagang aso at pusa.
Kaugnay nito, tinatayang may 4,000 aso at pusa mula sa anim na barangay ang kanilang nabakunahan.
Nagsasagawa rin ng information dissemination sa mga paaralan at magbibigay ng lecture sa mga opisyal na barangay upang mas mapalawak ang kaalaman sa rabies prevention and control.