News »


Mini-Session ng mga Little City Officials

Published: November 29, 2024 01:48 PM



Tila mga ganap na mambabatas ang mga kabataang lider na miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) sa ginanap na mini-session nila sa SP Hall kahapon, Nobyembre 28 bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan sa lungsod.

Sa aktibidad na ito, naranasan ng mga Little City Official ang proseso ng paggawa ng mga resolusyon na nagbigay sa kanila ng mas malalim na pag-unawa sa pamamahala at paggawa ng mga polisiya.

Sa isang panayam, sinabi ni Little City Vice Mayor at SP Presiding Officer John Mharvic Geron na "Mayroon man o walang posisyon, sana patuloy tayong magsilbi para sa mga kabataan."

Samantala, ipinahayag ni Little City Mayor Niel John Rae Abeleda sa kaniyang talumpati ang pasasalamat sa lokal na pamahalaan sa patuloy nitong pagsuporta sa mga hakbang na nagpapalakas sa papel ng kabataan sa komunidad.

Magtatapos ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ngayong araw, Nobyembre 29.