News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija





Libreng serbisyo, handog ng LCR sa City Day

Published: August 14, 2019 09:12 AM
Umariba ang Local Civil Registry (LCR) Office sa paghahandog ng libreng serbisyo sa mga mamamayan ngayong araw (Agosto 9), partikular ang libreng pamimigay ng dokumentong sibil (civil registry documents) at pagrehistro ng kapanganakan (late registration of birth).

Mga estudyante sa lungsod, nagtagisan sa pagsusulat

Published: August 09, 2019 11:37 AM
Dinagsa ng mga mahuhusay na estudyante kasama ang kani-kanilang mga guro at coaches ang taunang patimpalak sa paggawa ng slogan at pagsusulat ng essay. Ang aktibidad na ito ay hudyat na naman ng masayang pagdiriwang ng Araw ng Lungsod ng San Jose na may temang � Ginintuang Taon, Ginintuang Selebrasyon� dahil sa ika-limampung anibersaryo ng lungsod ngayong taong ito. Ginanap ang paligsahan sa Learning and Development Room sa City Hall Building nitong umaga (Agosto 8).

Abar Segundo, Dinayo ng K-Outreach

Published: August 05, 2019 10:30 AM
Makulimlim at maulan man ang panahon ay hindi pa rin nagpaawat ang K-Outreach sa paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

300 senior citizens ng lungsod, binigyan ng ayuda

Published: August 05, 2019 10:30 AM
Tumanggap ang 300 senior citizens ng allowance na may kabuoang halaga na isang libo at walong daang piso (P1,800.00) para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo (P300.00 kada buwan) mula sa Lokal na Pamahalaan.


K-Outreach, dumayo sa Brgy. Tayabo

Published: August 05, 2019 10:30 AM
Dinagsa ng maraming mamamayan sa Brgy. Tayabo ang pagdating doon ng K-Outreach Program nitong umaga (Hulyo 26) sa kanilang covered court. Bumaba sa kanilang barangay ang ibat-ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan upang maghandog ng sari-saring serbisyo.

Higit 300 mag-aaral, nagtapos sa ALS

Published: July 23, 2019 10:08 AM
Bakas ang ngiti sa 333 mag-aaral makaraang sila ay matagumpay na nakapagtapos sa programang Alternative Learning System o ALS ng DepEd, nito lamang Hulyo 19 sa K of C hall, Malasin.

Eleksyon ng �little officials", isinagawa

Published: July 22, 2019 10:06 AM
Nagtipon at nagpulong nitong Miyerkules, ika-17 ng Hulyo, sa Learning and Development Office, City Hall Building, ang mga lider mula sa dalawampung (20) pampubliko at pribadong sekondaryang paaralan sa lungsod upang mamili ng mga magiging opisyal na mauupo para sa nalalapit na Lingggo ng Kabataan. Ito ay kaugnay din sa nalalapit na pagridiwang ng San Jose City Day nitong darating na buwan ng Agosto.

K Outreach Program, muling umarangkada

Published: July 22, 2019 10:05 AM
Nag-umpisa na namang mamayagpag ang K-Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan, at nito lamang umaga (Hulyo 18), ginawang buwena-mano ng programa ang Brgy. Tabulac para handugan ng iba�t ibang serbisyo ang mga residente roon.

Libreng kaalaman sa pagluluto, itinuro

Published: July 11, 2019 10:24 AM
Bilang pakikiisa ng Panlungsod na Aklatan (City Library) sa Buwan ng Nutrisyon, inilunsad ang programang �Lutong kaalaman, ating BOOKsan� nitong Hulyo 9.


Second Quarter Earthquake Drill, isinagawa

Published: June 28, 2019 11:24 AM
Muling nagsagawa ng pagsasanay ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) katuwang ang City Health Office (CHO), at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa quarterly National Simultaneous Earthquake Drill.

Prosthetic legs at wheelchairs, ipinamahagi

Published: June 27, 2019 08:54 AM
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose sa pagbibigay ng kalinga sa mga Persons with Disability (PWD) kaya muling namahagi nitong umaga, ika-26 ng Hunyo, ng mga prosthetic legs at wheelchairs sa kanila.

Tayabo Nature Park Multi-Purpose Hall, pinasinayaan

Published: June 26, 2019 01:36 PM
Isang bago at maayos na Multi-purpose Hall na naitayo sa pamamagitan ng Congressional Development Fund ng opisina ni Congw. Mikki Violago ng ikalawang distrito ng Nueva Ecija ang pinasinayaan nitong ika-21 ng Hunyo sa Tayabo Nature Park.

Solar Lights sa mga Barangay

Published: June 20, 2019 11:32 AM
Ilang buwan na ang nakararaan nang simulan ng Lokal na Pamahalaan ang paglalagay ng solar street lights sa iba't ibang barangay.

Lungsod San Jose, nakiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Published: June 14, 2019 11:23 AM
Nagtipon-tipon nitong Miyerkules, Hunyo 12, ang mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan, DepEd, Philippine Army, PNP, BFP, NGO�s at mga miyembro ng organisasyong Free Masonry at Amaranth upang sama-samang ipagdiwang ang ika-121 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Motor Riding Safety Training, isinagawa

Published: June 14, 2019 11:23 AM
Isang mahalagang pagsasanay tungkol sa ligtas at tamang pagmo-motorsiklo ang isinagawa nitong umaga, ika-13 ng Hunyo, sa City Social Circle. Ito ang Motor Riding Safety Training (MRST) na naglalayong makapag-bigay ng tamang kaalaman sa pagmo-motor sa mga kapulisan at mga sibilyan.

Inter-Barangay Basketball & Volleyball

Published: June 14, 2019 11:24 AM
Malakas na hiyawan ang bumalot sa buong Pag-asa Sports Complex sa katatapos na Inter-Barangay Basketball and Volleyball Tournament Championship nitong Hunyo 8.

PWD sa lungsod, tumanggap ng tulong pinansiyal

Published: June 10, 2019 10:48 AM
Patuloy ang pagmamalasakit na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga kalungsod nating Persons with Disability (PWD), at kahapon lamang (Hunyo 3) ay tumanggap ang 90 PWD ng isang libong pisong financial assistance.


OPLAN Daloy 2019

Published: May 30, 2019 01:36 PM
Nagsimula na nitong mga nakaraang araw ang maigting na operasyon ng Oplan Daloy bilang paghahanda sa tag-ulan.

Brigada Eskwela 2019

Published: May 23, 2019 09:28 AM
Umarangkada na ang programang Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) nitong ika-20 ng Mayo na may tema sa taong ito na �Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan�.

3rd Invitational Motocross

Published: May 20, 2019 09:20 AM
Umarangkada ang 3rd Invitational Motocross sa Brgy. Sto. Tomas nitong Abril 27 na inabangan naman ng mga manonood sa kabila ng matinding sikat ng araw.

Mga bata, Gumradweyt sa Kiddie Bible School

Published: May 16, 2019 01:09 PM
Matagumpay na nagtapos ang 75 chikiting sa Kiddie Bible School na inorganisa ng Panlungsod na Aklatan (City Library) katuwang ang Members Church of God International (MCGI).

Proclamation of 2019 Elected Officials

Published: May 16, 2019 01:09 PM
Pormal nang ipinroklama ng COMELEC nitong umaga, May 14, ang mga naihalal na konsehal sa Lungsod ng San Jose matapos ang opisyal na bilang ng balota.

Apat na bagong POWAS, magkakasunod na binuksan

Published: May 14, 2019 10:13 AM
Dumaloy ang malinis na tubig sa magkakaibang lugar nitong nakalipas na dalawang araw (Mayo 9 & 10) sa Sto. Nino 3rd (Zone IV at Sitio Nilamuyak), Brgy. Camanacsacan, at Sitio Balanak sa Brgy. San Mauricio.

Emergency Response Unit, nagbukas na sa Palestina

Published: May 10, 2019 09:45 AM
Handang-handa na para mag-responde sa mga kaso ng emerhensiya sa ibayong ilog ang Emergency Response Unit ng City Disaster Risk Reduction & Management Office.

POWAS, umagos na sa Barangay Porais at San Juan

Published: May 10, 2019 09:45 AM
Patuloy ang pagdaloy ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar sa lungsod at nito lamang Mayo 8, dalawang Potable Water System o POWAS ang pinasinayaan at mapapakinabangan na ng mga residente ng Barangay Porais at San Juan.

Street Concert with Juan Karlos Band and December Avenue

Published: May 09, 2019 09:58 AM
Jam-packed ang Public Market sa ginanap na Street Concert doon nitong Abril 26 kung saan tampok ang indie pop rock band na December Avenue at ang banda ng dating The Voice Kids Philippines (Season 1) finalist na si Juan Karlos.

Mototrail Enduro Race

Published: May 08, 2019 03:54 PM
Matinding aksiyon ang nasaksihan noong Abril 26 sa 1st Mototrail Enduro Race kung saan tinahak ng mga rider ang mga "off-road" na lugar ng Barangay Tayabo, Villa Marina at Kaliwanagan.


3rd San Jose City Table Tennis Tournament, dinayo

Published: May 08, 2019 03:55 PM
Nakakamanghang liksi at husay sa paglaro ng table tennis ang ipinamalas ng mga kabataang lumahok sa 3rd San Jose City Table Tennis Tournament noong Abril 25-26 sa Walter Mart, bilang bahagi pa rin ng Pagibang Damara Festival 2019.

Gabi ng Mamamayan

Published: May 06, 2019 09:57 AM
Halos hindi mahulugan ng karayom ang City Social Circle noong Gabi ng Mamamayan, ika-27 ng Abril, sa Pagibang Damara Festival sa dami ng mga San Joseniong nanood ng pagtatangghal ng bandang AEGIS.

Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ), binuksan na sa publiko

Published: May 06, 2019 09:57 AM
Matapos ang mahabang proseso para sa mga pormalidad at mga kinakailangang permiso mula sa Department of Health, pormal nang binuksan ang Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) nitong Miyerkules, ika-1 ng Mayo.

Mga bituin, dinumog sa Pagibang Damara Variety Show

Published: May 06, 2019 09:57 AM
Matapos ang matagumpay na concert ng AEGIS noong Sabado, Abril 27, sa Gabi ng Mamamayan, muli na namang dinagsa ng libo-libong San Josenio ang City Social Circle kinabukasan upang panoorin ang taunang Pagibang Damara Festival Variety Show, kung saan tampok ngayong taon ang mga bituin na sina Andrea Torres, Julie Anne San Jose, at ang isa sa pinakasikat na heartthrobs na si Enrique Gil.


Artista vs Mason, nagtunggali sa basketball

Published: May 06, 2019 09:57 AM
Nagharapan sa isang friendly basketball game ang mga artista kontra mga mason ng Lungsod San Jose nitong Linggo ng hapon (Abril 28) sa City High Gym.

Street Dancing, nagbigay-kulay sa Pagibang Damara

Published: May 06, 2019 09:56 AM
Naging matingkad at makulay ang kahabaan ng Maharlika Highway nitong Huwebes (Abril 25) nang muling masaksihan ang taunang Street Dancing na isa sa pangunahing atraksiyon sa Pagibang Damara Festival.

Mr & Miss San Jose City 2019, kinoronahan

Published: April 28, 2019 06:30 PM
Hindi napigil ng brownout ang pagkinang ng kagandahan ng dalawampu't apat na kandidato at kandidata para sa Mister & Miss San Jose City 2019 nitong Huwebes, Abril 25 sa PAG-ASA Gym.

San Jose City Duathlon Race, dinayo ng mga siklista

Published: April 28, 2019 06:29 PM
Naging maaksiyon ang unang araw ng Pagibang Damara Festival nang simulan ito ng isang Duathlon Race ng mahigit tatlong daang siklista mula sa iba�t ibang lugar gaya ng Pangasinan, Nueva Vizcaya; Bulacan; Metro Manila; Lupao at Llanera, Nueva Ecija.


Bubble Fest & Rave Party, dinumog

Published: April 28, 2019 06:29 PM
Nabalot ng saya, bula, at iba�t ibang kulay ang halos limang libong katao na sumali sa Bubble Fest nitong Miyerkules (Abril 24) bilang bahagi ng ikalawang araw ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2019.

Mga kabataan, humataw sa dance contest

Published: April 28, 2019 06:29 PM
Nagpasiklaban sa galing sa pagsayaw ang walong grupo ng kabataan mula sa iba�t ibang lugar sa ginanap na SK Night Dance Competition kagabi (Abril 23) sa Pag-asa Sports Complex.

Pinagpalang gabi ng pasasalamat, ginanap

Published: April 28, 2019 06:29 PM
Nagsama-sama ang halos 1,200 miyembro ng iba�t ibang Born-Again Christian Churches na kasama sa San Jose City Pastoral Movement (SJCPM) para sa Gabi ng Pasasalamat na idinaos nitong Abril 23 sa City Social Circle.

Malikhaing Festival Costume, inirampa

Published: April 28, 2019 06:29 PM
Mga naggagandahang kasuotang nagpapakita ng kultura ng Pagibang Damara ang bumida noong Lunes, Abril 22 sa City Social Circle sa pre-pageant night ng Mr & Miss San Jose City 2019.


SP Local Legislative Award 2018

Published: April 16, 2019 03:59 PM
Presentation of Certificate of Recognition to the Sangguniang Panlungsod (SP) of San Jose City headed by City Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang for being the Provincial Winner (City Category) in the Local Legislative Award 2018 (pursuant to DILG Memorandum Circular No. 2018-130 issued on August 14, 2018).

K-Outreach, naki-fiesta sa Brgy. Porais at Malasin

Published: April 08, 2019 10:16 AM
Nakisaya ang buong caravan ng K-Outreach Program sa Porais nitong Marso 28 at sa Malasin nitong Marso 29 kasabay ng kanilang barangay fiesta upang handugan ng mga libreng serbisyo ang mga residente.

POWAS, dumaloy na rin sa Bliss, Malasin at Sitio Saranay

Published: April 03, 2019 10:44 AM
Patuloy ang pagdaloy ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar sa lungsod at nito lamang Marso 28, dalawang Potable Water System (POWAS) ang pinasinayaan at mapapakinabangan na ng mga residente ng Sitio Saranay, Sto. Ni�o 3rd at Bliss, Malasin.