News »


K Outreach sa Sto. Niño 1st

Published: January 27, 2020 12:00 AM



Mistulang ‘extended’ ang fiesta sa Sto. Niño 1st noong Biyernes (Enero 24) matapos dumayo roon ang K Outreach Program.

Dala roon ng iba’t ibang tanggapan ng lokal pamahalaan gayundin ang ilang ahensiya at samahan ang kanilang libreng serbisyo gaya ng medical at dental services, libreng gamot, bigas, reading glasses, gupit, masahe, at marami pang iba.

Nagsagawa rin doon ng Operation Timbang para sa mga sanggol at mga bata ang mga kawani ng City Nutrition Office, at nagbigay impormasyon naman ang kinatawan ng Persons with Disability (PWD) Office ukol sa pagkuha ng PWD ID pati na ng iba’t ibang serbisyong handog para sa mga may kapansanan.

Nagpaalala naman ang City Franchising and Regulatory Office ukol sa pagkuha at pag-renew ng prangkisa, na lahat ng  namamasada ng tricyle ay kailangang may valid na professional driver’s license. 

Samantala, nag-Tala Dance Challenge naman ang ilang kababaihan sa programa kasama si Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang.

Hiinikayat din ng Ikalawang Punong Lungsod ang mga mamamayan na makibahagi sa mga pampublikong pagdinig na isinasagawa ng Sangguniang Panlungsod, nang sa gayon ay maiparating sa kanila ang mga saloobin at komento nila ukol sa mga ordinansa at ilang usapin. 

Hindi rin pinalampas ni Mayor Kokoy Salvador ang okasyon at masayang nakihalubilo sa mga residente ng Sto. Niño 1st at nakisalo sa boodle fight.

Sa darating na Biyernes (Enero 31), maghahatid serbisyo naman ang K Outreach Program sa Brgy. Pinili.