News »


Mayor’s Cup Basketball Tournament, nagsimula na

Published: November 27, 2019 12:00 AM   |   Updated: November 28, 2019 12:28 PM



Nag-umpisa na ang bakbakan ng mga basketbolista sa Mayor’s Cup Basketball Tournament kahapon (Nov. 26) sa Pag-asa Sports Complex, bilang patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa larangan ng isports.

Labing-apat na koponan ang magtutunggali sa nasabing torneo, kabilang ang Philippine Army, San Jose City Police Station, PNP 2nd PMFC, Bureau of Fire Protection o BFP 2nd District, SAJELCO, Tau Gamma, Warlink, Motopix, JRC, Tri-Wheel, JGR/Alexies, FC Martinez, Roper Hardware, at Team Ignacio.

Sa opening game ng torneo, nakuha ng JGR/Alexies ang unang panalo matapos patumbahin ang SAJELCO sa iskor na 101-74.

Ginulat naman ng koponan ng Tri-Wheel ang defending champion na Roper Hardware sa ikalawang laro, kung saan lumamang ng labinlimang puntos ang Tri-Wheel sa final score na 89-74.

Magpapatuloy ang mga laro mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing alas-sais ‘y medya ng gabi sa Pag-asa Sports Complex.