News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija




Meeting, City Day Celebration Committee

Published: August 23, 2018 03:53 PM
Muling nagpulong ang mga miyembro ng 47th City Day Celebration Committee nitong Hulyo 22 upang muling pag-usapan ang mga aktibidad at programang isasagawa para sa naturang okasyon. Gaya ng napagplanuhan sa unang pulong ng komite, ipagdiriwang ng dalawang araw ang City Day mula Agosto 9-10.

Meeting/Forum for Little City Officials 2016

Published: August 23, 2018 03:53 PM
Pinulong ang mga kabataan nitong Hulyo 21 upang talakayin ang pagbuo at paghalal sa mga bagong Little City Officials na manunungkulan sa Linggo ng Kabataan sa Disyembre.

Budget Hearing for CY 2017 Annual Budget

Published: August 23, 2018 03:54 PM
Ginanap ang unang budget hearing o pagdinig para sa magiging budget sa 2017 ng iba't ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan nitong ika-21 Hulyo sa Office of the City Mayor (OCM) Conference Room.

PWD Got Talent (Finals)

Published: August 23, 2018 03:54 PM
Isa sa mga tampok na programa para sa pagdiriwang ng 38th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week sa lungsod ngayong taon ang PWD Got Talent.

LDRRM Council Meeting | July 19, 2016

Published: August 23, 2018 03:54 PM
Masusi nang pinag-aaralan ng Local Disaster Risk Reduction Management Council (LDRRMC) ang mga dapat ihanda ng lungsod sa paparating na panahon ng kalamidad.

38th NDPR Week Celebration

Published: August 23, 2018 03:54 PM
Ipinamalas ng mga PWD ang kanilang mga talento at kakayahan sa pagdiriwang ng 38th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na may temang �Karapatan ng Maykapansanan, Isakatuparan� Now Na!�

City Cooperative Development Office Award

Published: August 23, 2018 03:54 PM
Kinilala ang San Jose City bilang Best Performing LGU Cooperative Development Office sa Regional Recognition Ceremony Gawad Parangal 2016 ng Cooperative Development Authority nitong ika-18 ng Hulyo sa Royce Hotel and Casino, Clark, Pampanga.

SP Session, 11 July 2016

Published: August 23, 2018 03:54 PM
Nagtalaga na ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) ng mga magsisilbing Chairman, Vice Chairman, at Member(s) ng 15 komite ng SP sa kanilang ikalawang sesyon noong ika-11 ng Hulyo. Narito ang naging resulta:


Liga ng mga Barangay Meeting re: Oplan Tokhang

Published: August 23, 2018 03:54 PM
Nitong Hulyo 12 sa pulong ng Liga ng mga Barangay, ipinaliwanag ni P/Supt. Reynaldo dela Cruz, OIC-PNP San Jose Chief sa mga Punong Barangay ang Oplan Tokhang, isang kampanya ng PNP laban sa iligal na droga kung saan kumakatok ang mga pulis sa bahay ng mga hinihilang gumagamit o nagtutulak ng droga para kausaping sumuko at magbagong buhay na.

TODA Meeting with Mayor Kokoy

Published: August 23, 2018 03:54 PM
Pinulong ng Franchising and Regulatory Office ang mga Presidente ng TODA sa lungsod, kasama ang mga taga- Rizal, Lupao at Llanera nitong Hulyo 14 upang pag-usapan ang ikaaayos at ikagaganda ng kanilang pamamasada.

Meeting with Senior Citizens

Published: August 23, 2018 03:54 PM
Bilang pagpapahalaga ng Pamahalaang Lokal at ni City Mayor Mario �Kokoy� Salvador sa kalagayan ng mga senior citizen, tinipon ang mga lolo at lola ng lungsod nitong ika-14 ng Hulyo sa CHO Mini Pag-asa Gym .

MARKET VENDORS FORUM

Published: August 23, 2018 03:55 PM
Mariing nilinaw ni City Mayor Mario �Kokoy� Salvador sa mga market vendor sa isinagawang forum sa Pamilihang Lungsod noong Hulyo 9 na patuloy na ipinatutupad ang Anti-Plastic Ordinance.

Anggake Dam Backfilling

Published: August 23, 2018 03:55 PM
Nagsagawa ng �backfilling� o pagtatabon ng lupa sa Anggake Dam sa Culaylay nitong nakaraang linggo upang maiwasan ang pagbaha sa mga lugar na malapit dito.



Meeting of Mayor Kokoy with CSWDO and PWDs re: NDPR Week

Published: August 23, 2018 03:55 PM
Aktibong nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose sa 38th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR Week) na ipinagdiriwang mula Hulyo 17-23. May tema ito ngayong taon na: �Karapatan ng may Kapansanan, Isakatuparan, Now na!�.


MEETING OF MAYOR KOKOY WITH DTI

Published: August 23, 2018 03:55 PM
Bumisita sa lungsod noong Lunes, Hulyo 11 ang mga kinatawan ng DTI sa pangunguna ni DTI Provincial Director Brigida T. Pili, kasama sina City Cooperative Development Officer Cristina Corpuz at City Tourism Officer Darmo Escuadro upang talakayin kay Mayor Kokoy Salvador ang gagawing pagdiriwang ng 10th Gatas ng Kalabaw Festival.

ORDINANCE ENFORCERS ORIENTATION

Published: August 23, 2018 03:55 PM
Nagsagawa ang CENRO ng orientation para sa mga bagong Ordinance Enforcers nitong Hulyo 12 upang ipaliwanag sa kanila ang mga ordinansang ipinatutupad sa lungsod para magampanan nila nang tama at maayos ang kanilang tungkulin.

CITY NUTRITION COUNCIL MEETING

Published: August 23, 2018 03:55 PM
Nagpulong ang mga miyembro ng CITY NUTRITION COUNCIL (CNC) nitong ika-11 ng Hulyo sa pangunguna ni City Nutrition Action Officer Josephine Martin kasama si City Administrator Alexander Glen E. Bautista upang pag-usapan ang mga magiging programa at aktibidad para sa selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo na may temang �First 1000 days ni baby, pahalagahan para sa malusog na kinabukasan�.

CITY DAY CELEBRATION EXECUTIVE COMMITTEE MEETING

Published: August 23, 2018 03:55 PM
Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng 47th City Day sa darating na buwan, nagpulong nitong Hulyo 11 ang mga miyembro ng Executive Committee na mangangasiwa ng naturang okasyon.





Introduction of the new City Mayor, City Officials, and EAs

Published: August 23, 2018 03:56 PM
Ipinakilala sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ang bagong Punong Lungsod ng San Jose na si Kgg. Mario �Kokoy�O. Salvador, kasama ang mga Executive Assistants (EAs), at mga nahalal na Konsehal nitong ika-4 ng Hulyo sa Flag Raising Ceremony sa City Social Circle.




KALASAG Wagi sa Villar SIPAG Award

Published: August 23, 2018 04:05 PM
Ginawaran ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ang KALASAG Farmers Producers Cooperative bilang isa sa 10 Most Outstanding Community Enterprises noong ika-13 ng Disyembre 2013 sa Villar SIPAG Bldg., C5 Extension Road, Las Pinas City. Sila ay napili mula sa kulang 200 na mga kalahok mula sa iba't-ibang sulok ng bansa.