News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija





K Outreach sa Porais

Published: October 28, 2022 03:00 PM
Muling nagpamahagi ng mga libreng serbisyo ang K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan kung saan dinayo ang mga taga-Barangay Porais ngayong araw (Oktubre 28).


The Challenge Initiative - Leadership Circle for Mayors

Published: October 28, 2022 12:44 PM
Iprinisinta ni Mayor Kokoy Salvador sa Leadership for Adolescent and Youth-Friendly Cities (LAYFC) for Mayors Leadership Circle ang mga naisakatuparang programa at aktibidad ng lokal na pamahalaan para maging isang �Adolescent and Youth-Friendly City� ang lungsod tungo sa pagpapababa ng bilang ng teenage pregnancies o maagang pagbubuntis dito.


U4U Teen Trail Caravan, patuloy na nag-iikot sa mga paaralan

Published: October 27, 2022 03:00 PM
Muling naghatid ng kaalaman ang U4U Teen Trail Caravan ng Teen Information Center (TIC) kasama ang City Population Office (PopCom) sa Junior High School Students ng San Agustin Integrated School kahapon (Oktubre 26).




K Outreach, dumalaw sa Barangay Looban para sa NACOCOW

Published: October 26, 2022 03:21 PM
Binisita ng K Outreach Program kaninang umaga (Oktubre 26) ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) - San Jose City District Jail bilang pakikiisa at suporta ng lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week (NACOCOW) 2022 na may temang �Mataas na kalidad ng serbisyong pampiitan, pagbabago ng PDL tiyak makakamtan�.


Demo Gulayan Field Day

Published: October 25, 2022 05:00 PM
Hindi napigil ng ulan ang ikalawang Demo Gulayan Field Day ng City Agriculture Office (CAO) ngayong Martes, Oktubre 25 sa Demo Farm, Malasin kung saan nasaksihan ng mga panauhin ang mayabong na pananim doon.


Paghahanda para sa Undas 2022

Published: October 25, 2022 02:45 PM
Nagpulong kahapon (Oktubre 24) ang iba�t ibang opisina ng lokal na pamahalaan at mga ahensiya na kasama sa Oplan Kaluluwa para masiguro na maidaos nang maayos at mapayapa ang paggunita ng Undas sa taong ito.


Linggo ng Kabataan 2022 Closing Program

Published: October 24, 2022 12:12 PM
Naging matagumpay ang isang linggong panunungkulan ng Little City Officials para sa Linggo ng Kabataan 2022 at bilang pagtatapos ng aktibidad, idinaos ang Closing Program nito sa Learning and Development Room nitong Oktubre 21.


K Outreach Program sa Brgy. Pinili

Published: October 23, 2022 04:26 PM
Samot-saring tulong at serbisyo ang dala ng Lokal na Pamahalaan sa Brgy. Pinili sa ginanap na K Outreach Program doon kaninang umaga (Oktubre 21).



SJCNHS Security Bank Foundation Building Inauguration

Published: October 21, 2022 08:00 AM
Opisyal nang ipinagkaloob sa San Jose City National High School (SJCNHS) ang bagong gusaling pampaaralan na handog ng Security Bank Foundation sa ginanap na Turn-Over and Inauguration Ceremony nitong ika-20 ng Oktubre.


Pagkilala sa mga Kooperatiba

Published: October 20, 2022 04:00 PM
Pinarangalan ang mga kooperatiba sa lungsod na kaanib sa City Cooperative Development Office (CCDO) nitong Lunes (Oktubre 17), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba ngayong taon na may temang �KooPinas: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-samang Pag-unlad�.


Libreng Ice Cream Cake

Published: October 20, 2022 02:19 PM
�Summer feels� ang hatid ng Selecta sa lungsod na namigay ng libreng ice cream cake kasama ang lokal na pamahalaan.


Clean-up Drive, Pinangunahan ng mga Kabataan

Published: October 18, 2022 09:00 PM
Nagsagawa ng clean-up drive sa Palasapas Falls, Brgy. Manicla nitong umaga, Oktubre 18, ang mga inihalal na Little City Officials ng lungsod bilang bahagi ng aktibidad ng Linggo ng Kabataan sa pangunguna ng Community Affairs Office.


U4U Dumayo sa Brgy. Tayabo

Published: October 18, 2022 07:00 PM
Dumayo ang U4U Teen Trail Caravan dala ang mga impormasyon at gabay para sa mga kabataang Grade 10 at 12 ng Tayabo High School na isinagawa sa Tayabo Gymnasium ngayong araw (Oktubre 18) sa pangangasiwa ng Teen Information Center (TIC), City Population Office (PopCom) at Suhay Youth Center.


Elderly Filipino Week

Published: October 18, 2022 04:34 PM
Muling nagkaroon ng pagkakataong magsama-sama at magsalo-salo ang mga �young at heart� sa lungsod upang ipagdiwang ang Elderly Filipino Week ngayong taon na may temang "Older Persons: Resilience in Nation Building", na ginanap sa PAG-ASA Sports Complex kaninang umaga (Oktubre 18).


Linggo ng Kabataan 2022

Published: October 17, 2022 02:13 PM
Opisyal nang maninilbihan bilang Little City Officials ngayong araw (Oktubre 17) ang mga estudyante mula sa Junior at Senior High Schools dito sa lungsod matapos manumpa sa City Social Circle kaninang umaga.


Launching of Revitalized PNP KASIMBAYANAN

Published: October 14, 2022 05:02 PM
Inilunsad ang programang Revitalized PNP KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan) nitong hapon (Oktubre 14) sa Learning and Development Room, City Hall na naglalayong pagbuklurin ang Kapulisan ng San Jose kasama ang Lokal na Pamahalaan at iba�t ibang religious at advocacy groups upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.


K Outreach Program sa Brgy. Kaliwanagan

Published: October 14, 2022 03:41 PM
Umarangkada ang K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa Barangay Kaliwanagan ngayong araw (Oktubre 14) hatid ang iba�t ibang libreng serbisyo sa mga mamamayan.


Bringing Awareness to the Next Generation

Published: October 14, 2022 08:00 AM
Nagsanib ang Teen Information Center (TIC) ng lokal na pamahalaan at S�hay Youth Center para sa �Bringing Awareness to the Next Generation� seminar na isinagawa mula Oktubre 11-13.


SPES Payout

Published: October 13, 2022 04:49 PM
Natanggap na ng 44 na benepisyaryo ng unang batch ng Special Program for Employment of Students (SPES) ang natitirang 40% ng kanilang suweldo mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), matapos magtrabaho ng 20 araw sa iba�t ibang ahensiya at opisina ng lokal na pamahalaan.


Pamamahagi ng Wheelchairs at Tungkod

Published: October 13, 2022 02:33 PM
Nakatanggap ngayong araw (Oktubre 13) ng tungkod at wheelchair ang 36 na persons with disabilities (PWD) mula sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose.



Bagong K Building sa Kaliwanagan

Published: October 11, 2022 12:46 PM
Mas abot kamay na ang edukasyon para sa mga kabataan sa Barangay Kaliwanagan nang opisyal na buksan ang kauna-unahang K Building sa Kaliwanagan High School � San Agustin Integrated School (SAIS) Annex.


Community-Based Inclusive Development (CBID) Training Workshop

Published: October 10, 2022 05:00 PM
Nagkaroon ng Community-Based Inclusive Development (CBID) Training Workshop ang Persons with Disabilities at Barangay Stakeholders ng Sto. Ni�o 1st, 2nd, at 3rd na pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa City Hall ngayong araw (Oktubre 10).


LGU Sportsfest 2022 Closing and Awarding Program

Published: October 10, 2022 02:09 PM
Naging matagumpay ang pagtatapos ng LGU Sportsfest 2022 nitong ika-7 ng Oktubre, matapos ang isang buwan na nagtagisan sa iba�t ibang laro ang limang koponan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.


K Outreach sa Brgy. Dizol

Published: October 07, 2022 11:54 AM
Naghatid ng mga libreng serbisyo sa Brgy. Dizol ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan kaninang umaga (Oktubre 7).


Inagurasyon ng POWAS sa Brgy. Bagong Sikat

Published: October 06, 2022 05:00 PM
Nadagdagan muli ang bilang ng makikinabang sa proyektong Potable Water System (POWAS) nang opisyal na pasinayaan ang kauna-unahang POWAS sa Brgy. Bagong Sikat kaninang umaga (Oktubre 6).




Outstanding BNS, BNC, at CNPC, pinarangalan

Published: October 04, 2022 12:25 PM
Kinilala ngayong araw (Oktubre 4) ang mga Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS), Outstanding Barangay Nutrition Committee (BNC), at Outstanding City Nutrition Program Coordinator para sa taong 2021.


K Outreach sa Bagong Sikat

Published: September 30, 2022 05:04 PM
Tuloy-tuloy ang K Outreach Program kung saan ibinaba naman ng lokal na pamahalaan ang iba�t ibang serbisyo nito sa Brgy. Bagong Sikat kaninang umaga (Setyembre 30).


Outstanding LGU Employees, pinarangalan

Published: September 30, 2022 01:42 PM
Kinilala ang mga katangi-tanging kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose na napili sa Service Excellence Award Program (SEAP) na inilunsad ng City Human Resource Management Office (CHRMO) kamakailan.


POC and CADAC 3rd Quarter Meeting

Published: September 28, 2022 05:30 PM
Ginanap kanina (September 28) ang Quarterly Joint Peace and Order Council (POC) at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) Meeting sa Learning and Development ng City Hall upang talakayin ang estado ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod, kabilang ang mga isyu ukol sa ilegal na droga.


Bagyong Karding

Published: September 26, 2022 07:00 AM
Inilikas ang 23 pamilya na nakatira sa landslide-prone area sa Sitio Lomboy, Brgy. Tayabo kagabi upang maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng Bagyong Karding.




Renewal ng MOA sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at Jollibee Group Foundation (JGF)

Published: September 20, 2022 03:00 PM
Nilagdaan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang renewal ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod San Jose at Jollibee Group Foundation (JGF) sa pangunguna ni Gisela Tiongson, Executive Director ng JGF kasama ang mga kinatawan ng City Cooperative Development Office, City Agriculture Office, at dalawang farmer leaders mula sa KALASAG Multi-Purpose Cooperative at Onion and Vegetable Producers Cooperative (OVEPCO) sa Office of the City Mayor (OCM) kahapon, Setyembre 19.


Ayuda para sa bagong LGU Scholars, ipinamahagi

Published: September 20, 2022 01:00 PM
Tinanggap na ng 200 bagong iskolar ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose kahapon (Setyembre 19) ang tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng PHP7,000.00 para sa isang semestre.


Pag-IBIG Caravan sa Lungsod San Jose

Published: September 16, 2022 03:00 PM
Sa koordinasyon ng Office of the City Mayor at City Human Resource Management Office para sa selebrasyon ng Buwan ng Kawani, umarangkada ang Pag-IBIG on Wheels sa City Hall compound ngayong buwan ng Setyembre upang magbigay ng serbisyo hindi lamang sa mga San Josenio kundi sa lahat ng mga naninirahan sa ikalawang distrito ng Nueva Ecija.


K Outreach sa Brgy. Villa Marina

Published: September 16, 2022 01:00 PM
Dinayo kaninang umaga (Setyembre 16) ng K Outreach Program ang Barangay Villa Marina sa pangunguna nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal ng lungsod, at iba�t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.




Pagtatatag ng Agricultural and Biosystems Engineering (ABE) Group sa lungsod, tinalakay

Published: September 15, 2022 01:00 PM
Nagpulong nitong umaga, Setyembre 15, sa City Hall ang mga kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) at ilang departamento ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang City Councilor upang pag-usapan ang mga alituntunin sa pagtatatag at pagpapalakas ng Agricultural and Biosystems Engineering (ABE) Group sa lungsod.





3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)

Published: September 08, 2022 01:00 PM
Nagsipaglikas kaninang umaga mula sa kani-kanilng opisina ang mga empleado ng City Hall at tumungo sa City Social Circle nang marinig ang sirena na hudyat ng Quarterly National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).