K Outreach sa Brgy. Tulat
Published: November 18, 2022 04:31 PM
Nakatanggap ng tulong at libreng serbisyo mula sa lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng Barangay Tulat sa ginanap na K Outreach Program kaninang umaga (Nobyembre 18).
Dumalo sa nasabing programa sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador kasama ang ilang konsehal ng lungsod.
Bukod sa mga karaniwang tulong at serbisyo na handog ng iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan kasama ang ilang grupo at pribadong ahensiya, namahagi rin ng wheelchair sa isang residente roon.
Samantala, inimbitahan naman ni Mayor Kokoy ang mga taga-Tulat na maglibot sa pailaw sa city proper.
Ayon kay Mayor, ito na ang pagkakataon upang muling maramdaman ang saya ng Pasko sa lungsod lalo pa't bumabalik na sa normal ang pamumuhay mula nang magkaroon ng pandemya.
Naaliw naman ang mga mamamayan sa pampasiglang bilang na inihandog ng Day Care pupils sa tulong ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).