News »


Pagkilala sa mga Kooperatiba

Published: October 20, 2022 04:00 PM



Pinarangalan ang mga kooperatiba sa lungsod na kaanib sa City Cooperative Development Office (CCDO) nitong Lunes (Oktubre 17), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba ngayong taon na may temang “KooPinas: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-samang Pag-unlad”.

Iginawad din kay Mayor Kokoy Salvador ang parangal bilang Champion Mayor Award dahil sa kanyang walang sawang suporta at pakikipagtulungan para sa kaayusan at ikatatagumpay ng bawat kooperatiba.

Lubos ang pasasalamat ng Punong Lungsod at aniya, sa mga ganitong pagpupunyagi mas lalong nakikita ang magandang hangarin ng Lokal na Pamahalaan para sa mga mamamayan at mga kooperatiba upang mas maging progresibo ang ating bayan.

Ayon naman sa mensahe ni Vice Mayor Ali Salvador, ipagpatuloy lamang ang mabuting relasyon sa mga kooperatiba para sa mas marami pang tagumpay na makamit ng ating lungsod na naglalayong tumulong at gumabay sa bawat mamamayan.

Bumati rin sina City Cooperative Development Officer Ma. Cristina Corpuz at Cooperative Development Specialist II Mercholyn Lubiano sa mga pinarangalan at nagpasalamat sa pakikisa ng bawat kooperatiba.

Kaugnay nito, tumanggap ng pondong P575,000.00 ang mga sumusunod na kooperatiba bilang suporta sa bawat dairy cooperatives sa lungsod:
- Brotherskeeper Multi-Purpose Cooperative
- Delaen Farmers Agriculture Cooperative
- Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative
- Simula ng Panibagong Bukas Multi-Purpose Cooperative

Samantala, narito naman ang mga miyembro at kooperatiba na ginawaran ng pagkilala:

Best Performing Cooperative Managers:
- Beaulah S. Aquino (San Jose City Government Credit Cooperative)
- Fernando T. Pablo (Simula ng Panibagong Bukas Multi-Purpose Cooperative)

Koop-Makisig Lider Award:
- Anthony O. Alonzo (Brotherskeeper Multi-Purpose Cooperative)
- Arnold V. Dizon (Kalasag Multi-Purpose Cooperative)
- Darmo A. Escuadro (San Jose City Government Credit Cooperative)
- Mary Ann L. Sia (Pleroma Primary Multi-Purpose Cooperative)

Koop-Makisig Award:
- Brotherskeeper Multi-Purpose Cooperative
- Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative
- Institute Study on Diabetic Alumni Primary Multi-Purpose Cooperative
- Kalasag Multi-Purpose Cooperative
- Kapatiran Credit Cooperative
- Pleroma Primary Multi-Purpose Cooperative
- San Jose City Credit Surety Fund Cooperative
- San Jose City Government Credit Cooperative
- Simula ng Panibagong Bukas Multi-Purpose Cooperative

Recognition of Partners:
- Philippine Carabao Center
- Department of Trade and Industry - Nueva Ecija Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office
- Department of Agrarian Reform – Nueva Ecija
- City Agriculture Office
- Land Bank of the Philippines
- Bangko Sentral ng Pilipinas
- Cooperative Development Authority – Region III
- Jollibee Group Foundation

Matagumpay na naisagawa ang programa na ginanap sa Learning and Development Room ng City Hall, kung saan nagpahayag din ng Panunumpa ng Kooperatiba ang mga kinatawan City Cooperative Development Council (CCDC) sa pangunguna ng CCDO.