Childrens Congress 2022
Published: November 02, 2022 02:37 PM
Nagtagisan ng galing sa pagtula at pagguhit (Copy and Color) ang 30 mag-aaral mula sa iba’t ibang daycare centers sa lungsod kaninang umaga (Nobyembre 2) para sa Children’s Congress na may temang “Kalusugan, Kaisipan, Kaligtasan ng Bawat Bata, Tutukan”.
Idinaos sa St. Cecilia Daycare Center covered court ang naturang programa na inorganisa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at sinuportahan nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador.
Kaugnay nito, nanguna sa pagtula si Calysta Pascual, sumunod si Nordelyn Domingo, at pangatlo si Jeddah Español.
Sa Copy and Color contest, nakamit naman ni Eiviery Estonactoc ang unang gantimpala, pangalawa si Rayven Kaythleen Layno, at pangatlo si Nathalie Collado.
Ayon sa CSWDO, ang mga batang nanalo rito ang magiging pambato ng lungsod sa regional competition na gaganapin ngayong buwan ng Nobyembre para sa selebrasyon ng National Children’s Month.
Samantala, binigyang diin nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali sa kanilang mensahe ang kahalagahan ng mga ganitong programa sapagkat lubos silang naniniwala na malaki ang potensiyal ng mga kabataan.
Paalala ng Punong Lungsod sa mga guro, dapat mabigyan ng matibay na pundasyon ang mga kabataan sa edukasyon.
Nagpaalala naman si Vice Mayor Ali sa mga magulang na laging gabayan ang mga bata sa kanilang paglaki.