News »


K Outreach Program sa Brgy. Villa Joson

Published: November 11, 2022 12:14 PM



Ibinaba ngayong araw (Nobyembre 11) sa Barangay Villa Joson ang mga libreng serbisyo ng K Outreach Program kasama ang iba’t ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan.

Hindi man nakadalo sa programa si Mayor Kokoy Salvador, siniguro pa rin ni Vice Mayor Ali Salvador na ipabatid sa mga residente roon ang kanilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanila.

Lubos din ang pasasalamat niya sa mga kasamahan niya sa Sangguniang Panlungsod at sa lahat ng tanggapan, ahensiya, at samahan na kabahagi sa programa.

Bukod sa mga regular na serbisyo at tulong na ibinigay sa mga mamamayan sa K Outreach, personal ding iginawad ni Vice Mayor Ali ang dalawang wheelchair at isang saklay sa tatlong residente ng nasabing barangay.

Dagdag pa niya, makipag-ugnayan lamang sa Person with Disability Affairs Office (PDAO) ang mga nangangailangan ng saklay at wheelchair.

Susunod namang dadayuhin ng K Outreach ang Brgy. Tulat sa Nobyembre 18.