K Outreach Program sa Brgy. Kaliwanagan
Published: October 14, 2022 03:41 PM
Umarangkada ang K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa Barangay Kaliwanagan ngayong araw (Oktubre 14) hatid ang iba’t ibang libreng serbisyo sa mga mamamayan.
Kasamang dumalaw sa mga residente roon sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador para personal na alamin ang mga pangangailangan sa nasabing barangay, gayundin sina Board Member Dindo Dysico, ilang konsehal, at dating Bokal Joseph Ortiz.
Personal ding inabot ni Mayor Kokoy ang hiling na wheelchair at tungkod ng isang residente roon.
Inihayag naman ni Vice Mayor Ali na ang mga nangangailangan ng buhangin para panambak sa mga parteng malubak na daan sa barangay ay magpalista lamang kay Kapitan at ABC Pres. Roderick Brillo.
Ibinahagi rin ni Dysico ang magandang balita sa mga residente ang isinusulong ni Gov. Oyie Umali na maging libre ang mga serbisyong medikal tulad ng MRI, CT scan, at ultrasound para sa mga Novo Ecijanos. Nabanggit din ang plano ng gobernador na magpatayo ng bagong Diagnostic Center sa Lungsod San Jose at magkaroon ng bagong gamit na pang-MRI sa mga pampublikong ospital sa susunod na mga buwan.
Sa susunod na Biyernes, dadayo naman ang K Outreach sa Brgy. Pinili.