Awarding and Recognition of Certified PhilGAP
Published: November 07, 2022 11:19 AM
Ginawaran ng pagkilala ang mga magsasakang San Josenio na nakapasa sa sertipikasyon ng Philippine Good Agricultural Practices Program (PhilGAP) accreditation mula sa Department of Agriculture nitong ika-4 ng Nobyembre 4 sa Heroes Hall, San Fernando City Pampanga.
Kabilang sa mga nakapasa ang Kalasag Multi-Purpose Cooperative para sa kanilang produktong kamatis, palay, at red bell pepper; Onion and Vegetable Producers Cooperative na may produktong kamatis at palay; walong magsasaka sa Manicla (sibuyas at kamatis); apat na magsasaka sa Palestina (red rice); at apat din sa Kita-Kita Vegetable, Onion, and Garlic Growers Association (kamatis at palay).
Pumasa ang mga ito sa mahigpit na pamantayan na nakapaloob sa four GAP modules.
Layunin ng PhilGAP na matiyak ang kaligtasan ng pagkain at kalidad ng mga produktong pang-agrikultura, habang pinapanatili ang pangangalaga sa kapaligiran at sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa.
Kasama ng mga magsasakang tumanggap ng pagkilala sa nasabing programa sina City Agriculturist Francisco Dantes at Cooperative Development Specialist II Hannah Domingo.
(Source: Hannah Domingo, City Cooperative Development Office)