News »


Special Session of the Honorable Sangguniang Panlungsod with the Little City Officials

Published: October 21, 2022 01:25 PM



Naghain ng ilang resolusyon ang mga Little City Official sa isinagawang special session ng Sangguniang Panlungsod (SP) kahapon, Oktubre 20 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2022 na may temang “Intergenerational Solidarity: Creating A World for All Ages”.

Ilan sa kanilang mga ipinanukala ay libreng sakay para sa mga mag-aaral na Junior High School hanggang College na galing sa malalayong barangay, suporta sa mga student-based research para sa ikauunlad ng lungsod, feeding program para sa mga walang tirahan, selebrasyon ng Pride Month para sa LGBTQIA+ Community, tulong sa mga magsasaka, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa.

Napamangha naman ng Little City Officials si Vice Mayor Ali Salvador at ang mga konsehal na dumalo sa nasabing sesyon.

Nagpahayag din ng kanyang pagbati sa mga kabataang opisyal si Mayor Kokoy Salvador dahil sa kanilang husay sa paghain ng mga resolusyon para sa ikabubuti ng lungsod.

Taos-pusong nagpasalamat ang mga mag-aaral kina Mayor Kokoy, Vice Mayor Ali, at lahat ng miyembro ng SP sa ipinakitang suporta sa selebrasyon sa Linggo ng Kabataan.

Sisikapin naman ng SP na suriin ang draft resolutions ng mga kabataan dahil nakitaan nila ito ng potensiyal upang maging ganap na ordinansa.

Ngayong araw, gaganapin ang Closing Program ng mga mag-aaral na nanungkulan sa lokal na pamahalaan mula Oktubre 17-21.