SJCNHS Security Bank Foundation Building Inauguration
Published: October 21, 2022 08:00 AM
Opisyal nang ipinagkaloob sa San Jose City National High School (SJCNHS) ang bagong gusaling pampaaralan na handog ng Security Bank Foundation sa ginanap na Turn-Over and Inauguration Ceremony nitong ika-20 ng Oktubre.
Inaasahang gagamitin ng mga mag-aaral na Grade 7 hanggang Grade 10 ang nasabing dalawang palapag na gusali na may 10 silid-aralan.
Pinangunahan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador ang pagpapasinaya nito, kasama ang ilang kinatawan ng Security Bank, Ateneo Center for Educational Development Program, El Acibuche Builders, Department of Education (DepEd) Division of San Jose City, at SJCNHS.
Matapos ang ribbon-cutting, sinundan ito ng pagbabasbas ng gusali sa pangunguna ni Rev. Fr. Getty Ferrer, rektor at kura paroko ng Katedral ni San Jose.
Ipinahayag naman nina Mayor Kokoy at Dr. Vilma Nuñez, SJCNHS Principal ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa Security Bank Foundation dahil sa bagong tayong gusali.
Ayon naman kay Melissa Aquino, Security Bank Foundation Trustee and Corporate Secretary, magbubukas sana ang gusaling ito noong taong 2020 ngunit naantala dahil sa pandemya kung kaya’t ngayong taon lang ito opisyal na binuksan.
Sa ngayon, ito ang kauna-unahang Security Bank Foundation Building sa lungsod at nakapaloob ito sa ‘Build a School, Build a Nation: The Classrooms Project’ na inilunsad ng Security Bank Foundation noong 2011.